Donita Nose sinukuan na ang friendship nila ni Super Tekla: 'Desperado na ako, hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya' | Bandera

Donita Nose sinukuan na ang friendship nila ni Super Tekla: ‘Desperado na ako, hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya’

Ervin Santiago |September 17,2023
facebook
share this

Donita Nose sinukuan na ang friendship nila ni Super Tekla: ‘Desperado na ako, hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya’

Ervin Santiago - September 17, 2023 - 07:42 AM

Donita Nose sinukuan na ang friendship nila ni Super Tekla: 'Desperado na ako, hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya'

Super Tekla at Donita Nose

INIYAKAN talaga ng komedyanteng si Donita Nose ang nangyari sa kanila ng kaibigang si Super Tekla noong kasagsagan ng pagiging pasaway at pag-a-attitude nito.

Inamin ni Donita na sinukuan na niya ang friendship nila ni Tekla dahil dumating na siya sa puntong hindi na niya alam kung anong gagawin sa kaibigan at ka-tandem sa pagpapatawa.

Sa pagsalang ni Donita Nose sa “hot seat” ng Kapuso weekly talk show na “Sarap, ‘Di Ba?” natanong siya ng host nitong si Carmina Villarroel kung bumitiw na nga ba siya sa pagkakaibigan nila ni Tekla at propesyonal na lang ang kanilang samahan?

Napa-‘Oh my gosh!’ muna si Donita sa tanong sa kanya saka nagsalita tungkol sa nangyaring “falling out” sa pagitan nila ni Tekla.

“Kinausap ko ‘yon (Tekla) actually, nasa vlog namin ‘yon. ‘Yung umiyak na talaga ako. Sobrang wala, desperado na ako na parang hindi ko na alam ang gagawin ko sa kaniya,” simulang pagbabahagi ni Donita.

“Sumuko talaga ako that point. Siguro mga ano rin, nine months kaming hindi nag-usap,” aniya pa.

Bakas Bet Mo: Donita Nose sa fans ni Tekla: Huwag n’yo naman akong durugin, hindi n’yo alam ang hirap ko!

Kasunod nito, muli silang nagkausap at sa awa naman naman daw ng Diyos ay naayos nila ni Tekla ang kanilang mga issue sa buhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donita Nose (@donitanose)


“Okay naman na kami. Siya kasi medyo ‘yung utak talaga noon minsan ganoon. Minsan nawawala, nagaganito, nagaganyan.

“Ako kapag gusto ko siyang ayusin, to the point na kaya ko naman at kaya kong tumulong, kaya ko siya pagsabihan, ginagawa ko naman. Pero kung ‘yung tao kasi hindi na talaga kaya ‘yung mga sinasabi ko talagang bibitaw ka,” aniya pa.

“Siya naman nag-reach out. Sabi niya ”Te halika na mag-vlog na tayo ulit. Kakatapos lang ng tour namin, ‘yung Canada. May upcoming shows pa kami na magkasama,” patuloy pang chika ni Donita.

Minsan na rin daw niyang kinausap si Tekla na trabaho na lang ang isipin nila at kalimutan na ang kanilang pagkakaibigan. Pero sey ni Donita parang hindi rin daw nila kaya ni Tekla ang balewalain na lang ang lahat ng kanilang pinagsamahan.

“Minsan sinasabi ko sa kanya na maging professional na lang tayo, trabaho lang tayo. Pero hindi pa rin, e.

“Hindi mo pa rin talaga magagawa nang tama ‘yung trabaho ninyong dalawa kung mayroong namamagitan sa inyo na parang trabaho lang ‘to,” mariin pang sabi ni Donita Nose.

Donita Nose masamang-masama ang loob kay Tekla: Nakakadurog ng pagkatao…ibinigay mo na lahat

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy Fermin sa itsura ngayon ni Tekla: ‘Yung pagiging unprofessional nanggagaling sa bisyo ‘yan…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending