Sharon na-hurt sa pag-unfollow issue nina KC at Frankie, nag-sorry kay Kiko: 'Handa akong mamatay para sa mga anak ko' | Bandera

Sharon na-hurt sa pag-unfollow issue nina KC at Frankie, nag-sorry kay Kiko: ‘Handa akong mamatay para sa mga anak ko’

Ervin Santiago - September 17, 2023 - 07:40 AM

Sharon na-hurt sa pag-unfollow issue nina KC at Frankie, nag-sorry kay Kiko: 'Handa akong mamatay para sa mga anak ko'

KC Concepcion, Gabby Concepcion at Sharon Cuneta

KAHIT anong mangyari, bali-baligtarin man ang mundo ay mananatili pa rin ang pagmamahal ni Megastar Sharon Cuneta sa panganay niyang anak na si KC Concepcion.

Isa-isang sinagot ng award-winning movie at TV icon ang mga tanong ng press people sa naganap na mediacon nitong magdaang Friday para sa reunion project nila ni Gabby Concepcion, ang “Dear Heart The Concert.”

Halatang ingat na ingat si Mega sa mga sasabihin niya about the issue, “Ito na lang sasabihin ko, like I said in my post, uulitin ko na lang, di ba, sabi niya (KC) hindi naman talaga kami perfect? Wala naman, e.”

“So, siguro nagkaroon lang ng konting, let’s just say, okay, first of all, among my children, KC is the one that is the most… let’s just say she’s the opposite of me.

“Ang lakas ng dugo ng Papa (Gabby) niya. Kaya sila magkasundo. They’re the same, for better or for worse, they’re the same.

“Sometimes, kapag pinapaalalahanan ang isang tao ng amain, anak, kapatid, mommy, may mga tao na ayaw nila ng…” ani Sharon na hindi itinuloy ang sasabihin. “I have to be careful (with my words). Ganu’n lang, pagtatampuhan, so ganu’n lang yun.”

Pero inamin niyang nasaktan siya sa ginawa ni KC, “And it hurt me, siyempre, may unfollow-unfollow. Pero pamilya kami, this is a family matter.”

Sabi pa ni Sharon, okay na okay lang sa kanya ang pagiging malapit ngayon ni KC sa biological father nitong si Gabby. Never din daw niyang pinagbawalan noom ang ex-husband na madalaw at makasama ang anak nilang si KC.

Baka Bet Mo: Sharon inakusahang mas paborito si Frankie kesa kay KC; may pamatay na resbak sa bashers

“So, marami na akong natiis, marami na akong puwede nagawa noon, pero hindi ko ginawa because of KC. Lahat ng desisyon ko sa buhay noong araw, because of KC. Because of KC…she was my whole world,” pahayag pa ni Mega.

Ang wish lang ni Sharon, sana’y huwag kalimutan ni KC ang mga ginawa niyang sakripisyo noon para sa kanya, “And request ko lang kay KC, do not forget lang everything you learned from me, everything you learned from Mita (ang yumaong nanay niyang si Elaine Cuneta) and Tatay (ang yumaong mayor na si Pablo Cuneta).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sey pa ni Mega, “Accountability, word of honor, honesty, loyalty, and we are your family, your daddy (Kiko) and your siblings love you. I hope whatever it is…fixed as soon as possible.

“If you want respect, you have to be respectful. It’s earned. If you want to be trusted, you need to earn it,” paalala pa ni Sharon.

Naniniwala naman si Sharon na napalaki niya nang maayos si KC kasabay ng pagsasabing wala siyang paborito sa kanyang mga anak.

“And since I’m a mother first, I love KC very, very much. I would die for her, for Frankie, for Miel, and Miguel if I have to. Silang apat lang ang papayag akong mamatay,” aniya pa.

Samantala, nag-sorry naman si Sharon sa asawa niyang si Kiko at sa pamilya nito na nadamay nga sa isyu nila nina KC at Frankie.

“I wanna apologize to Kiko and the Pangilinan clan kasi nadawit dahil dun sa pagka-public noong pag-unfollow. It’s really just a small thing that got a bit out of hand.

“And it’s a family matter. So, whatever it is, I will always support my daughter, I will always love her and I will always be her mom, and tell her what she’s doing right, and tell her what she’s doing wrong until she’s 80 and I’m alive,” aniya pa.

Sharon naiipit sa isyu nina KC, Kiko at Frankie, pero hindi raw hahayaang tuluyang masira ang pamilya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sharon Cuneta dinenay na may ‘paborito’ sa mga anak, nagsalita sa isyu nina Frankie at KC: Kung sino siyempre ‘yung lagi mong kasama… mayroon ka lang mas nakakasundo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending