Lauv biglaang napakanta sa isang fastfood resto sa bansa

American singer Lauv biglaang napakanta sa isang fastfood resto sa bansa: ‘I got hungry then this happened…’

Pauline del Rosario |September 14,2023
facebook
share this

American singer Lauv biglaang napakanta sa isang fastfood resto sa bansa: ‘I got hungry then this happened…’

Pauline del Rosario - September 14, 2023 - 05:24 PM

American singer Lauv biglaang napakanta sa isang fastfood resto sa bansa: ‘I got hungry then this happened…’

PHOTO: Screengrab from Instagram/@lauvsongs

TRENDING ang recent social media post ng sikat na American singer-songwriter na si Lauv.

Paano ba naman kasi, tila nagkaroon siya ng follow-up concert kung saan ay live siyang nagtanghal sa isang sikat na fastfood restaurant sa Pilipinas.

Magugunitang nandito sa ating bansa ang singer dahil nagkaroon siya ng concert sa Cebu at Manila noong September 9 at 11.

Sa isang Instagram post, ibinandera ni Lauv ang isang short video at ikinuwento pa ang bonggang experience.

Baka Bet Mo: Ronnie Liang nag-celebrate ng birthday kasama ang mga batang may cancer: ‘Thank you, Lord for allowing this moment to happen’

Caption ng American singer, “It was a Monday in Manila. I finished a photoshoot and got hungry so we went to @jollibee to catch some grub and then THIS happened…”

Mapapanood sa video na magpapa-picture lang sana si Lauv sa mascot ng sikat na fastfood chain, ngunit bigla raw siyang nagutom kaya pumasok siya sa loob.

Inamin niya rin na namangha siya sa ginagamit na mic ng mga staff upang i-announce ang orders kaya naman naisipan daw niyang i-testing ito.

“So then we asked if I could sing them a lil song backstage hehe,” saad sa caption ng video.

Siyempre, pumayag naman ang mga staff ng fastfood branch at hinayaang kumanta ang international singer ng kanyang hit song na “I Like Me Better.”

Sey pa ni Lauv sa post, “I can’t believe they let me do this.”

“Ngl (not gonna lie) I was kinda nervous,” dagdag niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lauv (@lauvsongs)

Tuwang-tuwa naman ang mga nakasaksi ng live performance ng singer at pinalakpakan siya ng bonggang-bongga.

Pagkatapos niyang kumanta, ipinakita niyang kumain siya ng iconic na chickenjoy ng fastfood chain at nagpa-picture pa kasama ang mga staff.

Walang detalye kung saang branch bumisita si Lauv, pero halatang-halata naman na nag-enjoy siya.

Sey pa nga niya sa dulo ng video, “I wanna go back FOREVER.”

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pelikulang gagawin sana ng sikat na aktres at aktor napurnada dahil sa selosong dyowa ni ate gurl

Sikat na female celeb buntis daw, sa ibang bansa muna maninirahan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending