Marco Gumabao inaapi-api sa school, tinutuksong ‘anak ng kidnapper’: ‘Napapaaway talaga ako’
TANDANG-TANDA pa ng hunk actor na si Marco Gumabao ang eksena nang hulihin ng mga pulis ang kanyang amang aktor na si Dennis Roldan sa loob mismo ng kanilang bahay.
Kinasuhan ng kidnapping ang veteran actor at nakakulong pa rin ngayon habang pinagbabayaran ang nagawang kasalanan.
Inamin ni Marco na isa ito sa matinding bubog sa kanyang buhay na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa kanyang puso’t isipan kahit na ilang taon na ang nakalilipas.
Nagbalik-tanaw ang boyfriend ni Cristine Reyes tungkol dito nang makachikahan niya ang komedyante at talent manager na si Ogie Diaz na napapanood sa kanyang YouTube channel.
Ayon kay Marco, personal niyang nasaksihan ang pag-aresto sa kanyang tatay na naganap noong 2005.
View this post on Instagram
“Looking back, yes it was a traumatic experience kasi ako lang nakakita sa lahat ng magkakapatid kung paano hinuli yung tatay ko. Kung paano siya kinuha from the house,” simulang pagbabahagi ng aktor.
Mga alas-5 daw yun ng madaling-araw nang palibutan ng 30 pulis ang kanilang tahanan at pwersahang pumasok sa loob sa pamamagitan ng pagsira sa kanilang mga pintuan.
“Alam mo yung panira ng mga door sa banko, ganu’n yung ginamit nila. Sana nag-doorbell na lang kayo pinagbuksan naman namin kayo. Lahat ng pintuan namin sinira nila, as in lahat, walang pinto na hindi sinira,” kuwento ni Marco.
Baka Bet Mo: Sharon uminom ng totoong tequila sa body shot scene kasama si Marco; pinagtawanan lang ni Kiko
Sabi pa ng binata, nagtago ang kanyang ina sa kanilang banyo habang inaaresto ang ama. Gustung-gusto raw niyang lumaban at magwala nu’ng mga oras na yun pero parang may pumipigil daw sa kanya.
“During that time, hindi iyak yung napi-feel ko, rage, eh. I think dala-dala ko siya for the longest time. Inaapi-api ako sa school, ‘ah anak ng kidnapper yan.’ Napapaaway ako dati sa school,” pag-amin pa niya.
View this post on Instagram
Ina-acknowledge naman ni Marco na hindi lang naman ang kanilang pamilya ang naapektuhan sa mga nangyari, kundi pati ang iba pang taong involved sa nasabing kaso.
“You can’t tell people to just move on. Kasi syempre may pamilya rin na naagrabyado.
“Of course sila rin, may hinanakit sila, may hurts din sila towards the whole group na involved.
“Kami as a family, we have to look forward or past it but we can’t say ‘forget it,’” mariin pa niyang pahayag.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.