Sharon uminom ng totoong tequila sa body shot scene kasama si Marco; pinagtawanan lang ni Kiko Bandera

Sharon uminom ng totoong tequila sa body shot scene kasama si Marco; pinagtawanan lang ni Kiko

Reggee Bonoan |August 04,2021
share this

Sharon uminom ng totoong tequila sa body shot scene kasama si Marco; pinagtawanan lang ni Kiko

Reggee Bonoan - August 04, 2021 - 06:08 PM

Sharon Cuneta at Marco Gumabao

TAWANG-TAWA si Sharon Cuneta sa tanong kung ano ang first time niyang ginawa sa pelikulang “Revirginized” kasama si Marco Gumabao.

“First time kong gumawa ng body shot kahit sa totoong buhay, asawa (Sen. Kiko Pangilinan) ko nga hindi ko na-body shot, dalawa lang ‘yung naging asawa ko hindi ko na-body shot. Ha-hahaha!

“Surprised attack! Ha-hahaha! Sinabi ni direk (Darryl Yap) ‘ganito ang gagawin ‘yun, isang take lang.’ Totoo pala ‘yung tequilla ngayon lang ako (uminom), diniretso kong inumin ng ganu’n!

“Hindi ko kakayanin ang ganu’ng eksena kung hindi dahil sa guidance ni Marco. Naduduling na ako, ‘sabi ko direk gagawin ko ba ito?’ Kaya sabi ko kay Marco, you just carry me, I’ll just follow you! So ginawa namin in just one take, thank you Marco. That was a good thing, kinailangan ko (tequila),” tumatawang kuwento ng Megastar.

At dahil sa body shot scene ay ano ang reaksyon ni Sen. Kiko at ng mga anak niyang sina Frankie, Miel at KC.

“Ha-hahaha! Pinagtawanan ako. Si Kiko kasi winarn ko na siya, sabi ko I had this project and this is the story at least you hear me say, you know mga ganito.

‘Okay’ ganu’n lang naman ang asawa ko, sport ‘yun, e, si Kiko kaya nga hindi ko iniiwan, eh. You know I’m in a marriage that we understand each other, we have our own language and well all jive. 
“I have a very cool husband who’s very supportive of my career and very smart and he knows as an actor, I portray many roles,” pahayag ni Sharon.

Wala rin daw say si Sen. Kiko nu’ng makatrabaho ng asawa niya ang mga past boyfriends niya tulad nina Richard Gomez at Robin Padilla.

May offer noon para kina Sharon at ex-husband nitong si Gabby Concepcion at ang sagot lang daw ng cool hubby niya, “Sana it pushes through na.”

Dagdag pa ni Megastar, “He’s very supportive, very secure, never made me feel na, ‘hindi mo puwedeng gawin ‘yan!’ Hindi ko kasi kaya rin to leave with somebody who will trap me in a cage and say you can’t do the things that you wanna do, can’t be yourself of course I want a family but I didn’t want a dictator husband.  I am grateful because I have a husband who allows me to be myself.”

Samantala, naluha si Sharon nang banggitin sa ginanap na virtual mediacon ng “Revirginized” na sa lahat ng pelikula ng Viva Films na kasalukuyang palabas ngayon sa KTX.ph ay ang kontrobersyal na movie ni Mega ang pinakamalakas dahil marami na ang bumili ng tickets bago pa ito ipalabas.

“I used to break my own records, I used to be the only one able to break my own records in so many years. Thank you Direk Darryl for this movie for Carmela (karakter niya sa movie). Thank you to my Sharonian, thank you Viva,” saad nito.

Mapapanood na ang pelikula sa Agosto 6 sa KTX.ph, iWantTFC, TFC IPTV at Vivamax.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending