Cristine game na game sa laplapan nila ni Empoy sa 'Kidnap For Romance', pak na pak ang nakakalokang loveteam | Bandera

Cristine game na game sa laplapan nila ni Empoy sa ‘Kidnap For Romance’, pak na pak ang nakakalokang loveteam

Ervin Santiago |September 07,2023
facebook
share this

Cristine game na game sa laplapan nila ni Empoy sa ‘Kidnap For Romance’, pak na pak ang nakakalokang loveteam

Ervin Santiago - September 07, 2023 - 09:50 AM

Halikan nina Cristine at Empoy sa 'Kidnap For Romance' pinalakpakan ng madlang pipol, pak na pak ang bonggang loveteam

Cristine Reyes at Empoy Marquez

MULA simula hanggang ending ay tawa lang kami nang tawa sa unang pagtatambal sa pelikula nina Cristine Reyes at Empoy Marquez, ang “Kidnap For Romance.”

In fairness, ang lakas-lakas ng chemistry on screen nina Empoy at Cristine at pak na pak talaga ang lahat ng mga eksena nila sa pelikula, lalo na ang kanilang mga pakilig scenes!

Tama nga ang sinabi ni Cristine sa presscon ng pelikula na bukod sa pagpapatawa ay kering-keri rin ni Empoy ang magpaiyak dahil napakagaling din nito sa kanilang mga drama moments sa “Kidnap For Romance.”

At agree rin kami sa nabanggit ni Empoy na winner din ang pagko-comedy ni Cristine sa kanilang pelikula na idinirek ni Victor Villanueva mula sa Viva Films. Effortless din kasing magpatawa si Cristine kaya naman lumabas na natural na natural ang tandem nila ni Empoy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Cristine 🌻🪻🪽 (@cristinereyes)


Bukod dito, muling naipamalas ni Cristine ang kanyang versatility as an actress dahil waging-wagi rin ang kanyang mga action scenes sa movies.

Naku, abangan n’yo rin ang nakakalokang kissing scene ng dalawang bida sa “Kidnap For Romance” dahil talagang masa-shock kayo sa “laplapan” nila! Ha-hahahaha!

Ito na ang ika-20 taon ni Cristine sa showbiz at mapapanood nga siyang muli sa isang romantic comedy matapos ang limang taon. Ngayon, may action pa na kasama dahil gumaganap siya bilang isang stuntwoman sa “Kidnap for Romance”.

Baka Bet Mo: Empoy na-trauma sa lovelife, natakot magkadyowa uli; Cristine goodbye sa pagpapaseksi: ‘Gusto ko muna sa General Patronage’

Gumaganap siya rito bilang si Elena, na tinatawag ding “Ganda”. Mga holdaper ang kanyang Tatay Mando (Archi Adamos) at kapatid na si Jayjay (Nikko Natividad) na nakakulong.

Nangangailangan sila ng malaking pera para sa pagkaospital ng kanyang Nanay Rosing (Yayo Aguila) kaya mapipilitang pumasok si Elena sa isang sindikato.

Si Empoy naman si Godofredo Tan, “Fred” for short. Half-Chinese at nag-iisang apo ni Henry Tan (Boboy Garovillo), isa sa pinakamayaman sa Pilipinas. Gusto ni Lolo Henry na mag-asawa na si Fred at gawin itong tagapagmana. Pero takot sa commitment si Fred.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by VIVA Films (@viva_films)


Ang ninong ni Elena na si Arturo (Jeric Raval) ang pinuno ng sindikato at nag-utos kay Elena na kidnapin si Fred para sa ransom. Nagtagumpay naman si Elena na dakipin si Fred pero para hindi mahabol ng mga pulis, nagtago sila sa villa na pag-aari nina Fred.

Sa gita ng away nina Elena at Fred, saktong darating si Lolo Henry at makikita sila sa hindi kanais-nais na posisyon. Agad iuutos ng matanda na ikasal ang dalawa.

Sa yaman ng pamilya nina Fred, baka jackpot na nga ang pamilya nina Elena. Kayang-kaya ni Fred na ilantad ang tunay na pagkatao ni Elena, pero gagawin niya ba ito? Hindi kaya si Elena na nga ang babae para sa kanya?

Showing na ngayon sa mga sinehan nationwide ang “Kidnap for Romance” kaya watch na para tumawa nang tumawa!

Cristine ayaw nang pinag-uusapan ang relasyon nila ni Marco; dream come true ang pagtatambal nila ni Empoy sa ‘Kidnap For Romance’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kris na-diagnose ng 2 pang autoimmune disease; gusto nang sumuko sa laban pero pinatatapang ng 2 anak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending