Kris na-diagnose ng 2 pang autoimmune disease; gusto nang sumuko sa laban pero pinatatapang ng 2 anak Bandera

Kris na-diagnose ng 2 pang autoimmune disease; gusto nang sumuko sa laban pero pinatatapang ng 2 anak

Ervin Santiago |August 25,2022
share this

Kris na-diagnose ng 2 pang autoimmune disease; gusto nang sumuko sa laban pero pinatatapang ng 2 anak

Ervin Santiago - August 25, 2022 - 11:01 PM

Kris Aquino

APAT na autoimmune disease na ang nilalabanan ngayon ng TV host-actress na si Kris Aquino, ayon mismo sa kapatid niyang si Maria Elena “Ballsy” Aquino.

Matapos sumailalim sa ilang medical examination sa Amerika, na-diagnose nga si Kris ng dalawa pang bagong autoimmune disease.

Kinumpirma ni Ballsy ang update sa health condition ng nakababatang kapatid sa panayam ng non-government organization na Banyuhay Aotearoa nitong nagdaang Sabado, August 20.

View this post on Instagram

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)


In-upload ang interview sa Facebook page ng nasabing organisasyon kung saan nagbahagi nga ang ate ni Tetay hinggil sa kasalukuyang kalagayan nito na patuloy ngang nagpapagamot sa US.

“When she left, she had two autoimmune diseases. I think now there are four. She’s not even 90 pounds now, she’s like 85 or 86. For the other treatments that they want to try, she has to put on more weight. She has to get a little bit stronger,” pahayag ni Ballsy.

Sa isang Instagram post ni Kris last June, nabanggit niyang kailangan ng long-term treatment para sa kanyang Eosinophilic Granulomatosis with Polyangiitis (EGPA).

Para maipaliwanag ang kanyang kundisyon, ibinahagi rin ni Kris ang medical statement mula sa kanyang attending physician na si Dr. Niño Gavino, isang Filipino-American doctor na nakabase sa Houston.

Sabi ng doktor, “The subsequent 9-12 months will be crucial for us to see if she can achieve remission and continue the regimen further because to survive, Ms. Aquino will have to make whichever combination works, her lifetime maintenance medicine.

“With no medical intervention overall, the life expectancy of those with EGPA is at about 25%. With the proper treatment, 5-year survival rate is at 62%. Only 1 in every 1 million people get this form of vasculitis per year. That is how rare and hard to treat Ms. Aquino’s case is,” paliwanang pa ni Dr. Gavino.

Pagpapatuloy naman ni Ballsy, “Kris and her medical team are still trying to give her the right, correct treatment.

“She has so many allergies that all the medicines they’ve been trying haven’t been working, or maybe they did but then the side effects, they were not too happy about,” dagdag pa niya.

Patuloy daw na lumalaban si Kris para sa kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby, “There was a time when she was really feeling that she was about to give up because she was having such a difficult time.

“But then, when she looks at the pictures of her sons or when she sees them, then she knows she still has to fight,” sabi pa ng ate ni Kris.

Kris Aquino lilipad na pa-Amerika para magpagamot: Time is now my enemy

Kris tinawag na ‘world’s best ate’ si Ballsy: Siya yung parati kong kakampi

Myrtle Sarrosa nagka-chronic intestinal disease dahil sa sobra-sobrang kape, karne

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending