Ruru Madrid handang ibuyangyang ang lahat sa pelikula pero may kundisyon; Yassi Pressman hindi pa kering magpaka-daring | Bandera

Ruru Madrid handang ibuyangyang ang lahat sa pelikula pero may kundisyon; Yassi Pressman hindi pa kering magpaka-daring

Ervin Santiago |September 13,2023
facebook
share this

Ruru Madrid handang ibuyangyang ang lahat sa pelikula pero may kundisyon; Yassi Pressman hindi pa kering magpaka-daring

Ervin Santiago - September 13, 2023 - 07:48 AM

Ruru Madrid handang ibuyangyang ang lahat sa pelikula pero may kundisyon; Yassi Pressman hindi pa kering magpaka-daring

Ruru Madrid at Yassi Pressman

HANDANG magpaka-daring ang Kapuso Action-Drama Prince na si Ruru Madrid sa isang bonggang acting project pero may isang kundisyon.

Papayag daw ang hunk actor na mag-all out sa isang pelikula kung talagang kailangan sa istorya at kung kasing-ganda at kasing-laki ng production ng action-fantasy-adventure series na Game of Thrones.

Ayon kay Ruru, wala namang problema sa kanya kung kailangan niyang ipakita ang lahat-lahat basta ba worth it ang project at magmamarka sa buong mundo.

“Willing to give everything kung ganu’n kalaki talaga yung proyekto (Game of Thrones) at kung hinihingi talaga ng script, talagang gagawin ko,” pahayag ni Ruru.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Pero para naman sa leading lady ni Ruru sa pelikulang Video City at Kapuso primetime series na Black Rider na si Yassi Pressman, mukhang hindi pa keri ng powers niya ang tumodo sa pagpapaseksi.

Feeling ng dalaga, hindi pa mangyayari ngayon ang pagsabak niya sa mga daring roles. Mas gusto muna niyang mag-focus sa mga challenging roles pero wholesome pa rin at hindi kailangang maghubad at magpakita ng katawan.

Baka Bet Mo: Kakai hindi pa ready magkadyowa, work-work muna: ‘I choose to be single to enjoy my life’

At kapag daw dumating yung panahon na may nag-offer sa kanya ng mga bold at daring projects, pag-iisipan daw muna niya ito nang bonggang-bongga.

“Hindi ko po alam ang isasagot ko,” ang tila nahihiyang sagot ni Yassi. “Hindi ko po nakikita ang future, ang nakikita ko lang ay yung now.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“At ngayon po ay hindi pa ako handa. Hindi po natin kasi masabi, pero sure po na hindi pa yan mangyayari ngayon o bukas,” sabi ni Yassi.

Birong hirit naman ni Ruru kay Yassi, “Hindi pa ngayon…pero malay mo balang araw, dumating din yun…pagdating ng panahon.” Na mula naman sa lyrics ng classic hit ng OPM icon na si Ice Seguerra.

Samantala, mapapanood na ang first movie together nina Ruru at Yassi na “Video City” sa mga sinehan simula sa September 20, mula sa direksyon ni Raynier Brizuela under Viva Films.

Alexa Ilacad handang sumabak sa pagpapaseksi pero may kundisyon; idol na idol si Dua Lipa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

John Lloyd hindi pa handang maging tatay nang isilang si Elias; pero gustong ma-in love uli

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending