Gian Sotto umaming naligaw ng landas, nagbisyo, naging unfaithful sa asawa; iniligtas ni Oyo at inilapit sa Diyos
EMOSYONAL si Quezon City Vice Mayor Gian Carlo Sotto nang mapanood ang mensahe ng pinsang si Oyo Sotto sa YouTube channel ni Konsehala Aiko Melendez.
Sa lahat pala ng mga pinsang lalaki ni VM Gian ay si Oyo ang pinaka-close niya dahil ito ang kanyang shoulder to cry on noong muntikan silang maghiwalay ng misis niyang si Gng. Joy Woolbright-Sotto.
Ipinakita ni Konsi Aiko ang larawan ng maybahay ni Gian at tinanong kung ano ang greatest regret at accomplishment nito sa buhay.
“Greatest regret ko is hindi ko siya nakilala nu’ng mas bata ako. Ha-hahaha!” natawang sagot ni Gian.
“Mr. Romantiko ka pala, eh!” biro ni Aiko.
“Greatest accomplishment ko ay magkasama kami hanggang ngayon, together mga 20 (years), pero married siguro mga 20 plus na kasi naging kami 2001. Pero merong time na on and off kami pero as married couple magse-seventeen years,” kuwento ng ikalawang ama ng Lungsod Quezon.
View this post on Instagram
Tinanong ni Konsi Aiko kung paano napapanatili ni VM Gian ang kanilang pagsasama considering na sobrang busy nitong tao dahil sa trabaho niya.
Dito na nagbalik-tanaw ang nag-iisang anak ni dating Senate President Tito Sotto at aktres na si Gng. Helen Gamboa-Sotto.
“Honestly, nu’ng time na nade-depress ako isa palang ang anak namin no’n. Nu’ng time na ‘yun we were growing apart as in dahil nabuntis ko siya hindi ako makapag-set up konti lang kinikita ko sa pagbabanda.
“Ayokong mag-artista dahil sa pride ko, feeling ko ‘yung banda ko ang sagot and ang nangyari nu’ng time na ‘yun naramdaman ko na aalis na siya (wife) kaya niyaya kong pakasal kami thinking na getting married will take everything.
Baka Bet Mo: Pamilya ni Oyo hindi boto noon kay Kristine: Mataray daw, masama ugali pero kabaligtaran lahat
“Or, band-aid solution na nabuntis ko ulit siya, pero dumating ‘yung point na 2008 anniversary namin nakita niya akong may kausap sa phone at nakikipag-away.
View this post on Instagram
“And inamin kong I was being unfaithful, may mga bisyo ako. Mga kaibigan ko, mga kabanda ko lahat sila they were parang feeling ko na na-down ko sila dahil sarili ko lang ang iniisip ko nu’ng time na ‘yun kasi tuwing uuwi ako ng bahay ang tingin niya (Joy) sa akin magkaaway kami, sobrang toxic ‘yung relationship namin.
“Yung time na ‘yun nag-decide na siyang umuwi ng Cebu kasi Cebuana siya at doon na siya titira ulit kasama ang mga anak namin and then talagang as in rock bottom and then si Oyo from some reason kasi may mga suicidal tendency ako and then tinawagan ko si Oyo thinking na may mga ibibilin ka.
“Sabi ko ‘tol, ito na yata ang ending ko tapos si Oyo naman laging sinasabi na, ‘hindi God is good all the time.’ First time kong marinig ‘yun from someone na barkada ko na, ‘God is good all the time.’
“’Bro, may plano ang Diyos. May future siya para sa ‘yo.’ Normally kasi kapag may tatawagan ka, ang sasabihin sa ‘yo, ‘shot (iinom) mo na ‘yan para makalimutan mo ang problema.’
“Pero sabi niya (Oyo), ‘trust me kuya Gian may plano si God sa ‘yo, hindi ‘yan ang ending mo.’ Sabi ko, ‘Bro kung totoo ‘yung God na sinasabi mo pakilala mo sa akin.”
At dinalaw raw ni Oyo si Gian kung saan sila dumadalo ng church service at ipinakilala siya sa pastor hanggang sa nagtuluy-tuloy na ang pagdalo nito at isinurender na niya ang buhay niya sa Panginoong Diyos.
“And hindi ko alam na si Joy din pala kausap si Danica (Sotto-Pingris) and si Danica led Joy din and in two weeks naayos na ‘yung relationship namin at parang nagliligawan kami ulit and past forward today anim na ang anak namin.
“Kaya ko nasabing parang nagliligawan pa rin kami because I think ‘yung love ni God na nag-o-overflow sa aming dalawa, ‘yun ang nagko-connect sa amin. No matter what happened between you, si God ang mag-aayos,” pagtatapat ni Gian.
At higit sa lahat hindi raw sila natutulog ng may alitan o tampuhan kailangan maging maayos sila bago matulog.
At ang mensahe ni Oyo na nagpaluha sa vice mayor, “Unang-una alam mo naman na love na love kita. Gusto ko lang sabihin sa ‘yo na maraming salamat sa pagiging napakabuti mong ehemplo sa amin.
“Alam mo kuya Gian kitang-kita sa buhay mo ang pagmamahal sa ‘yo ng Diyos at kitang-kita ko rin na gusto mo siyang sundin sa lahat ng ginagawa mo.
“Diyan sa ginagawa mong pagiging vice mayor mo pagpatuloy mo lang ‘yan, continuous seeking God at tumulong ka ng tumulong gawin mong mabuti angh trabaho mo. Alam ko naman na ‘yan ang nasa puso mo, again I thank you for being my Kuya, love you,” sabi pa ni Oyo.
Habang nagsasalita si Oyo ay panay ang pahid ni Vice Gian ng kanyang mga luha at kinuha na ang panyo at ang tagal bago ulit siya nakapagsalita.
Sabi ni Konsi Aiko, “Vice sorry pinaiyak kita, ha. Kinulit ko si Oyo (magbigay ng mensahe). Kasi alam kong bestfriend mo si Oyo at siya ang isa sa dahilan kung bakit naging Christian ka rin. Bakit ganu’n ka-close ang relationship ninyo ni Oyo?”
“Wala akong kapatid na lalaki,” sambit ng vice mayor ng Quezon City.
“The brother you never had,” saad naman ni Aiko.
Ayon kay Gian ay apat silang close pero si Oyo ang pinakamalapit sa kanya plus bihira silang magkita, “Miss ko na rin siya (Oyo). Love you ‘Tol, love you,” sagot nito sa pahayag ni Oyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.