Nadine Lustre, James Reid nag-trending dahil sa 'twinning' outfit, JaDine fans hindi maiwasang kiligin | Bandera

Nadine Lustre, James Reid nag-trending dahil sa ‘twinning’ outfit, JaDine fans hindi maiwasang kiligin

Therese Arceo - September 09, 2023 - 10:05 PM

Nadine Lustre, James Reid nag-trending dahil sa 'twinning' outfit, JaDine fans hindi maiwasang kiligin

USAP-USAPAN sa social media ang hindi inaasahang “twinning” moment ng dating magdyowang sina James Reid at Nadine Lustre.

Ito ay matapos um-attend ng dalawa sa opening ng flagship store ng Gucci sa Greenbelt, Makati noong Miyerkules, September 6.

Makikitang parehas ang kulay at design ng outfit nina James at Nadine mula mismo sa Gucci.

May mga video clips rin ang agad na nag-viral sa X (dating Twitter) kung saan makikitang nagbeso ang dalawa nang magkita sa event.

Marami sa mga netizens lalo na ang mga fans nina James at Nadine ang kinilig sa muling pagkikita nila kahit na matagal nang walang relasyon ang dalawa.

Napansin nga rin ng mga ito ang pagkakapareho ng outfit ng dalawa kaya may nag-edit ng kanilang larawan at pinagdikit sila kaya mas lalong nakita ang pagkaka-matchy ng kanilang damit.

Baka Bet Mo: Nadine Lustre ayaw makisawsaw sa pag-aresto sa manager ni Liza at kasosyo ni James sa negosyo: ‘It’s very unfortunate that this is happening’

Narito ang ilang mga komento ng netizens ukol sa twinning at muling pagsasama ng dalawa sa publiko.

“As a Jadine Fan ako sa ngiti ni Anne nong nakita niya si James at Nadine na magbebeso sa isa’t isa.”

“Yung mata ni James sa vid parang hinahanap nya talaga si nadine. Parang Hindi nya pinansin si ann muna. Inuna nya si Nadine. Tapos Twinning pa sila huhu yung puso ko nanaman.”

“Jusko ngaun ko lang napansin na matchy matchy pa pala yung suot ng divorced parents natin James and Nadine. Our JaDine hearts!”

“I love how GUCCI planned it to give matchy-matchy dresses for Nadine and James Reid. They really know how to market their name and how people talk about them online, and by collaborating on this past issue towards this person’s pakak, their marketing strategy now makes sense.”

Makikita ring present at kasama ng dalawa sa mga photos sina Liza Soberano at Anne Curtis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Nadine Lustre ‘imbyerna’ sa pagkukumpara ng mga love team: Hindi ko gets bakit kailangan may competition…

JaDine fans nag-babu na kay James, mas magpapakita ng suporta kay Nadine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending