Nadine Lustre ‘imbyerna’ sa pagkukumpara ng mga love team: Hindi ko gets bakit kailangan may competition… | Bandera

Nadine Lustre ‘imbyerna’ sa pagkukumpara ng mga love team: Hindi ko gets bakit kailangan may competition…

Pauline del Rosario |April 17,2023
facebook
share this

Nadine Lustre ‘imbyerna’ sa pagkukumpara ng mga love team: Hindi ko gets bakit kailangan may competition…

Pauline del Rosario - April 17, 2023 - 04:21 PM

Nadine Lustre ‘imbyerna’ sa pagkukumpara ng mga love team: Hindi ko gets bakit kailangan may competition…

PHOTO: Instagram/@nadine

MAY inamin si Nadine Lustre sa kapwa-aktres na si Bea Alonzo.

‘Yan ay habang pinag-uusapan at binabalikan ng dalawa ang mga panahon na sikat na sikat at aktibo pa ang tambalang JaDine (James Reid, Nadine) sa showbiz industry.

Sa YouTube video noong April 15 ay mapapanood na sumailalim sa “lie detector test” si Nadine habang ini-interview ni Bea.

Isa sa mga itinanong sa kanya ay kung nakaramdam nga ba si Nadine ng pagkakaroon ng kompetisyon sa ibang sikat na love teams noon.

Alam naman nating lahat na ilan sa mga naging kasabayan ng JaDine ay ang love team nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o KathNiel, pati na rin ang LizQuen o sina Liza Soberano at Enrique Gil.

“You were part of one of the most popular loveteams in your generation. Do you think na nakipag-compete ka sa KathNiel and LizQuen?” tanong ni Bea kay Nadine.

Inamin ni Nadine na tila naiimbyerna siya sa tuwing nagkakaroon ng kumparahan, pero pinipilit nalang daw niya itong hindi isipin.

Baka Bet Mo: JaDine fans nag-babu na kay James, mas magpapakita ng suporta kay Nadine

“I didn’t like that there was a competing aspect to it. Parang sa akin back then, hindi ko nagegets bakit may ganoon so I was more of just doing what I have to do,” sagot niya.

Patuloy pa niya, “Nafi-feel ko lang talaga na pinagko-compete kami ng mga tao pero hindi ko siya inisip.”

Sinabi pa ni Nadine na hindi siya sang-ayon sa konseptong pinaglalaban ang mga love team na hanggang ngayon raw ay nangyayari pa rin sa ibang mga tambalan.

“Ayoko [ng competition sa amin]. Parang I was really just doing my own thing. Hindi ko rin gets bakit kailangan may competition. Even until now, nakikita ko siya sa ibang loveteams [ngayon],” sey ng award-winning actress.

Para raw kay Nadine, mas madaling magkaroon ng relasyon sa labas ng mundo ng showbiz.

Chika ng aktres, “Kasi walang influence ng ibang tao. Si Chris ang anchor ko labas ng showbiz which is something that I need.”

“Pag nasa showbiz ka kasi, sometimes it gets too loud. It gets too noisy. Siya ‘yung [humahatak] sa akin when it gets too crazy,” paliwanag pa niya.

Related Chika:

‘Manananggal’ ni Darryl Yap na para sana sa JaDine mas bumongga dahil kina Marco at Aubrey

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nadine trending dahil sa biniling motor; IG highlights kasama si James, deleted na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending