'Manananggal' ni Darryl Yap na para sana sa JaDine mas bumongga dahil kina Marco at Aubrey | Bandera

‘Manananggal’ ni Darryl Yap na para sana sa JaDine mas bumongga dahil kina Marco at Aubrey

Reggee Bonoan |September 09,2021
facebook
share this

‘Manananggal’ ni Darryl Yap na para sana sa JaDine mas bumongga dahil kina Marco at Aubrey

Reggee Bonoan - September 09, 2021 - 01:56 PM

James Reid, Nadine Lustre, Aubrey Caraan at Marco Gallo

SINA James Reid at Nadine Lustre dapat ang bibida sa pelikulang “Ang Manananggal na Nahahati ang Puso” mula sa Viva Films.

Ito ang kinumpirma ng direktor ng movie na si Darryl Yap sa ginanap na zoom mediacon nitong Miyerkoles pero dahil nagkaroon ng problema sa Viva management ang aktres kaya hindi ito natuloy.

Inirekomenda ng Viva bosses sina Marco Gallo at Aubrey Caraan bilang kapalit ng JaDine kaya hindi naiwasang tanungin si direk Darryl kung pumasa naman sa kanya ang bagong screen partners.

Kuwento ng direktor, “I was looking for someone who has the Nadine Lustre wavelength, and when I saw Aubrey sa performance in one song in all the music videos of Pop Girls (dating grupo nina Aubrey at Nadine), nakita ko na may vibe na ganoon.

“Tinanong ko na agad si Chad Kinis (isa rin sa cast ng pelikula), sabi ko, ‘Okay ba itong Aubrey?’ Ang unang-unang sagot sa akin ni Chad, ‘Napakabait na bata niyan.’

“Ang sabi ko, ‘Hindi naman ako naghahanap ng mabait. Ang itinatanong ko, okay ba siya, marunong ba siya?’

“Sabi ni Chad, ‘Ay, oo. Hindi na pag-uusapan ‘yon. Marunong umarte, marunong kumanta, marunong sumayaw.’ Kahit hindi nga ako kumbinsido, I need to look at this person.

“So, this is the moment where I say sorry to Aubrey and Marco for being scheming when I actually, noong tinitingnan ko si Marco, tinitingnan ko kung meron ba siyang James Reid, may ganoon ako, because I wrote it for those two.

“Nu’ng nakita ko si Marco na meron, sabi ko, ‘Sige, game.’ Tapos napahiya ako sa sarili ko, kasi nu’ng silang dalawa na, they did not bring JaDine.

“Right on my face, they smashed my expectations and then they presented themselves as new love team which is very truthful, very realistic and very sincere,” ani Direk.

At siyempre hindi naiwasang ikumpara sina Marco at Aubrey sa JaDine, “If you’re going to ask me when it comes to acting and delivery, when it comes to the truth that the artist is showing, Nadine is very sincere in acting and James is very raw.

“But if you give the chance to Aubrey and Marco, napakagaling po nila sa pelikulang ito.

“It made me not question why this was not originally made I mean, the making of the movie was not originally made for those two actors (JaDine), yun pala nakatadhana para sa dalawang ito (Marco at Aubrey),” paliwanag ni direk Darryl.

Dagdag pa niya, “It will be very unfair to compare these actors. But as an audience noong hindi pa po ako nagdidirek, I always have a fixation to work with the biggest stars.

“Alam ko maba-bash ako, pero napakahusay po ni Aubrey at saka ni Marco. It could have been a beautiful movie with Nadine and James, but I think landing with Aubrey and Marco, the movie is more than beautiful. The movie is truthful, the movie is truly an experience,” dagdag na papuri ng direktor.

Inamin din niya na kada eksenang matatapos ay naiiyak siya dahil nakukuhaha nina Marco at Aubrey ang gusto niyang mangyari.

“Paulit-ulit po ako habang katatapos pa lang ng eksena nilang dalawa, umiiyak ako. Sinasabi ko sa kanila na doon ko nakita kung paano ko gustong mangyari.

“Alam niyo, kapag masyado ng sikat ‘yung mga artista, meron silang mga pasubali. Meron silang restrictions and doubts of the the things they have to say or they have to act,” sambit pa nito.

Inilarawan pa ni direk Darryl na sabik sina Marco at Aubrey na mapansin din ang kanilang kakayahan sap ag-arte kaya ibinigay nila ang best nila sa Ang Manananggal na Nahahati ang Puso na mapapanood na sa Okt. 1 sa Vivamax.

“Ang dalawang ito ay matagal nang nauuhaw sa atensiyon at pagkakataong maipakita kung ano talaga sila bilang artista, unang bigay pa lang po, drone shot pa lang po, ibinigay na nila kahit napakalayo ng kamera.

“Lalo kong minahal itong dalawa, pati ang Beks Battalion, kasi more than comedians, they’re really actors. These five, they’re really artists.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi ko na nakikita ang JaDine sa Ang Manananggal. Nu’ng nagawa na ito nina Aubrey at Marco, I erased all my questions and told God that really, everything happens for a reason,” sabi pa ng direktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending