Drag Queen Taylor Sheesh bidang-bida sa U.S. morning talk show

Drag Queen Taylor Sheesh bidang-bida sa U.S. morning talk show na ‘Good Morning America’

Pauline del Rosario - September 07, 2023 - 05:33 PM

Drag Queen Taylor Sheesh bidang-bida sa U.S. morning talk show na ‘Good Morning America’

PHOTO: Instagram/@heymacyou

ANG bongga naman ng drag performer na si Mac Coronel o mas kilala bilang si “Taylor Sheesh.”

Paano ba naman kasi, tila nagkakaroon na siya ng “tour” sa iba’-ibang media outlets sa ibang bansa.

Mula sa American magazine na Rolling Stone at American newspaper na Washington Post ay naging guest na rin siya ng New York-based morning talk show ng ABC News na “Good Morning America” kamakailan lang.

Ang highlight sa nasabing programa ay ang pagiging viral ni Taylor Sheesh dahil sa kanyang mala-”Eras Tour” sa ilang malls dito sa Pilipinas na talaga namang dinudumog ng “Swifties” o fans ng sikat na international pop star na si Taylor Swift.

“Everyone wants a piece of Taylor Swift these days but her Eras Tour isn’t going anywhere which is why Swifties have to be creative. While Swift is bejeweled, Taylor Sheesh can still make the whole place shimmer,” saad sa intro ng report.

Baka Bet Mo: Matteo na-touch sa napakainit na pag-welcome sa kanya ng ‘Unang Hirit’ family: ‘Napakatindi at iba talaga!’

Kwento ni Mac sa programa, matagal na siyang avid fan ni Taylor hanggang sa naisipan nga niya itong gayahin.

“I’ve been a Taylor Swift fan since 2009. So I tried to impersonate her and somehow it [worked] and went viral,” chika niya sa exclusive interview.

Nang tanungin naman siya, “What is the most difficult part of performing as Taylor Sheesh.”

Sinagot niya riyan ay ‘yung pagpapalit ng kanyang damit.

“The quick change of the costumes. Like, after the first performance, I have 30 to 45 seconds to do a quick change,” sey ni Mac.

Nabanggit din ng drag queen na ilan lamang sa mga paborito niyang i-perform ay ang mga hit songs gaya ng “You Belong With Me,” “Love Story,” “We Are Never Ever Getting Back Together,” at “Cruel Summer.”

Sa huli ay nagpahayag ng mensahe ang drag performer sa lahat ng mga nanonood sa kanyang pagtatanghal.

“I am totally overwhelmed and grateful. I always appreciate their time, effort and patient,” sey niya.

Sa pagtatapos ng segment ay nabanggit ng reporter na baka matupad ang pangarap ni Mac na makasama at makita sa personal ang iniidolo dahil plano raw nitong manood ng “Eras Tour” concert sa Singapore sa darating na Marso.

“Mac is planning to see the “New Eras” tour in Singapore in March and hopefully all her wildest dreams will come true and the two will finally meet,” saad ng reporter.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bakit biglang umalis ang drummer ng P-pop group na The Juans, may issue ba?

Regine tuluyan na bang papalitan si Karla sa ‘Magandang Buhay’ dahil sa pagsabak nito sa politika?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending