Maine nakararanas ng sobrang antok, hirit ng netizens: 'Baka buntis na ang beshy ko!?' | Bandera

Maine nakararanas ng sobrang antok, hirit ng netizens: ‘Baka buntis na ang beshy ko!?’

Ervin Santiago |September 07,2023
facebook
share this

Maine nakararanas ng sobrang antok, hirit ng netizens: ‘Baka buntis na ang beshy ko!?’

Ervin Santiago - September 07, 2023 - 01:02 PM

BUNTIS na nga ba ang Phenomenal Star na si Maine Mendoza? Yan ang tanong ngayon ng kanyang mga fans matapos mabasa ang latest post nito sa X (dating Twitter).

Kanya-kanyang hula ang mga netizens kung ano ang ibig sabihin ng ibinahaging mensahe ng TV host-actress sa kanyang X account na may kaugnayan sa nararamdaman niya kahapon, September 6.

Hirit ng wifey ni Congressman Arjo Atayde, “Grabe yung sobrang nakaka antok???”

Sunud-sunod naman ang comments ng kanyang mga social media followers at halos karamihan ay naghihinalang baka pregnant na ang “E.A.T.” host, halos dalawang buwan matapos silang ikasal ni Arjo sa Baguio City.

May ilang netizens naman ang nagkomento na nakaka-relate sila kay Maine dahil nagiging antukin din sila tuwing hapon. Niyaya pa nga nila ang TV host-actress na baka kulang lang siya sa kape.

Baka Bet Mo: Arjo Atayde pinakasalan daw ang ‘clone’ ni Maine Mendoza, ‘delulu’ fans ng AlDub ayaw tumigil

Narito ang mga comments ng ilang netizens sa post ni Maine.

“Preggy na ba meng?”

“Aray ko po…mukhang nakabuo ah.”

“Nakooo!!Ganyang ganyan si Alex G. sa show nila dati!!! Huhuhu eto na ba un. May mini Meng na ba huhuhu.”

“Omaaaaay!”

“Baka buntis na ang beshy ko.”

“Congrats na agad haha.”

“OMG… baka naman iba na ‘yan hahaha.”

“Baka soon na Maine!!!”

“Yesss .. nadale na congrats sainyu ni arjo menggay.”

“Chru.. ilang araw na ko antok na antok sa hapon.. need labanan kasi baka late makatulog sa gabi, sira ang sleep haha.”

Kapaniwalaan na ng mga Pinoy na isa raw sa mga senyales na buntis na ang isang babae ay kapag madalas na inaantok pagsapit ng hapon.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang pahayag si Maine kung totoo ang hula ng mga netizen na buntis na siya sa panganay nila ni Arjo.

Related Chika:

Robin shookt sa dialogue ng anak na, ‘When I grow up nanay, I am going to have a husband’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

AJ Raval, Angeli Khang patalbugan sa hubaran at churvahan; nakipag-threesome kay Kiko Estrada

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending