Robin shookt sa dialogue ng anak na, 'When I grow up nanay, I am going to have a husband' | Bandera

Robin shookt sa dialogue ng anak na, ‘When I grow up nanay, I am going to have a husband’

Reggee Bonoan |June 16,2022
facebook
share this

Robin shookt sa dialogue ng anak na, ‘When I grow up nanay, I am going to have a husband’

Reggee Bonoan - June 16, 2022 - 11:25 AM

Robin Padilla, Mariel Rodriguez, Isabela at Gabriella

KAHIT antok na antok na si Senator-elect Robin Padilla ay nakipag-bonding pa rin siya sa mga anak nila ni Mariel Rodriguez na sina Isabela at Gabriella.

Talagang nakipaglaro ang aktor at politiko sa kanyang mga anak ng Barbie at Ken with matching dollhouse pa.

Tinutupad ni Robin ang pangako sa mag-iina niya na kapag sinuwerte siyang manalo bilang mambabatas ay hindi niya kalilimutan ang maglaan ng oras sa kanyang pamilya.

Ito kasi ang tanong noon ni Mariel kay Robin sa heart to heart talk nila na paano na kapag nanalo siya baka mawalan na siya ng panahon sa pamilya bagay na ipinangako ng aktor na politiko na ngayon na sa asawa.

Aliw kami sa ipinost ng wifey ni Binoe hatinggabi ng Huwebes sa naging takbo ng usapan ng mag-aama niya.

Kinunan ng larawan ni Mariel ang mag-aama niya na habang naglalaro sina Isabela at Gabriella ay inaayos naman ni Robin ang manikang si Ken na love interest ni Barbie.

Ang caption ni Mariel, “After magsenado, alaga naman sa mga may jetlag tatay mode naman.

“Isabella: Tatay you’re Nanay’s husband.

“*Robin inaantok (sleepy face emoji).

“Isabella: When I grow up nanay, I am going to have a husband.

“*Robin (shocked emoji).

“Mariel: Haha yes when you are older.

“Robin: That is a very very very very very long time. Husband is for old people. Nanay is old

“Isabella: Awww takes so long to have a husband.

“Robin: Matutulog na ako. Ano ba yang mga nilalaro niyo!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by mariel padilla (@marieltpadilla)


Ang nilalaro ng magkapatid ay bahay-bahayan at mag-asawa sina Ken at Barbie. Hindi pa makatulog ang dalawang bagets dahil sa jetlag.

Nagkomento naman ang dating TV host at kaibigan ni Mariel na si RR Enriquez, “Juskolord. Ito na ba ang tinatawag na kinu-kondisyon na ang heart ni Tatay sa ‘The moment of truth salad?'”

Sagot naman ng netizen na si @m.je_lee, “Hahaha! the fear of Tatay.”

Pinuri naman ng follower na si @maylien_d1189, “How sweet kahit antok na si tatay, pinipilit pading makipagbonding sa mga anak nya.”

Samantala, hiningan namin ng reaksyon si Mariel tungkol sa pambabatikos kay Robin nang hindi niya napasalamatan si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa mensaheng ipinost niya para kay Kris Aquino na napakalaki rin ng nagawa sa pagkapanalo niya noong nakaraang eleksyon.

Nag-post kasi ng larawan si Robin noong bata pa sila ni BBM at sinabing magkaibigan sila at talagang hindi niya ito isinama sa mga “alas” na nagpanalo sa kanya sa Senado.

Ang paniniwala ni Mariel nang maka-chat namin sa pamamagitan ng Instagram, “For me though when Robin said Marcos Loyalists ‘yun na ‘yun. Just like when he said DDS ‘yun na din ‘yun. That’s what I read.

“Actually for me kay Robin naganap ang UNITY talaga because mix ‘yung nag-vote sa kanya, may Marcos loyalists, mag-yellow, may DDS, may Muslim, may INC alam mo ‘yun? Unity talaga. Hehehehe for me ah.

“Robin loves President BBM lagi niya pinagtatanggol ang nga Marcos. As in lagi.

“I voted for BBM 2x na. Siya Vice President ko nu’ng 2016. Siya naman President ko ngayon 2022,” paliwanag ni Mrs. Padilla.

Nakiusap pa siya na huwag daw gawan ng intriga ang mister niya, “Wag gawan ng issue kasi wala naman. Hindi naman siguro masama na magpasalamat si Robin kay Ate Kris, di ba?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kasalukuyan ay walang nabago sa dating ginagawa ni Mariel para sa Cooking Ina business niya dahil panay pa rin ang pagbebenta niya ng karne ng baka lalo na ngayong nalalapit na ang Father’s Day (June 19).

Kita ni Mariel sa ‘Cooking Ina’ meat business ginagastos sa kampanya ni Robin

Mga Muslim nagpiyesta sa pangunguna ni Robin sa bilangan; Mariel, 2 anak biglang umalis sa Pinas…anyare?

Robin umamin kay Mariel kung kailan huling natukso sa babae; nagseselos sa ‘steak’ ng asawa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending