Rocco Nacino nakaipon para sa pagpapakasal nila ni Melissa Gohing dahil sa swab test: ‘Paubos nang paubos ‘yung pera ko noong pandemic’
NAPAKALAKI ng naitulong kay Rocco Nacino at sa asawa niyang si Melissa Gohing ng kinita niya sa pagsasagawa ng swab test noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Bilang isang registered nurse, nagamit ng Kapuso actor ang kanyang kaalaman sa pagsasagawa ng swab test nang sumailalim sa enhanced community quarantine o ECQ ang halos buong bahagi ng Pilipinas.
Ayon may Rocco, nang dahil dito ay nakaipon siya ng panggastos para sa kasal nila ni Melissa. Ito rin yung panahon na natigil ang trabaho ng lahat ng artista sa telebisyon at pelikula.
“Noong ginawa ko ‘yan, ‘yan ang nagpabayad sa wedding namin. It helped us so much.
“Lahat tayo nganga during the pandemic, and I was really going through a stage na ‘Shucks, ano ang gagawin ko sa buhay ko?’ Paubos nang paubos ‘yung pera ko sa kakabayad nitong bahay na ito, ang laki ng nababawas sa akin,’” ang pag-amin ni Rocco sa panayam ng “Surprise Guest with Pia Arcangel” podcast.
View this post on Instagram
Hanggang sa magdesisyon na nga si Rocco na makipagtulungan sa mga kakilala niyang medical professionals upang kahit paano’y may pagkunan sila ng gastusin sa araw-araw.
“Nagsimula siya sa pagbenta lang ng kits, eh. And then not a lot of people knew how to really test themselves na hindi nila alam na nasopharyngeal swab is not here lang sa nostril, it has to go out all the way back, and we were sad for the people who are doing it wrong. Doon nabuo ‘yung idea to really go out and help people.
“Sabi ko, ‘Why don’t we start helping people and set up a clinic and then partner up with different laboratories to be able to provide cheaper swab tests,’” pahayag pa ni Rocco.
Baka Bet Mo: Hirit ni Rocco ngayong mag-asawa na sila ni Melissa: Magkasama na kami mag-CR, sabay na rin maligo
Pagpapatuloy pa ng “The Missing Husband” star, “Noong time, medyo nag-skyrocket ang testing fees eh. So we made it affordable in a way na mas mababa nga pero mas maraming mag-a-avail, which actually happened.
“And dahil nga maraming takot din na mag-swab, or they were scared to get the virus, kulang na kulang kami sa manpower. So ang ending, kami na mga doctors, kami mismo ang pupunta sa mga bahay.
“Kami ‘yung as in, may times I would go to the suburbs talaga para lang makapag-swab and then at the same time hindi lang pag-swab, we would give them a detailed plan.
View this post on Instagram
“Kumbaga kapag positive sila, ‘Ganito ang plan, ganito ang gagawin natin, we’ll do a check-up on you.’ So hindi lang siya naging swab but then like a whole assessment and diagnosis for the family,” pagbabahagi pa ni Rocco.
Noong panahong yun ay naranasan din ng aktor na maging isang normal na tao dahil hindi siya nakikilala ng mga pasyenteng tinutulungan nila.
“So ang ginagawa ko, nagsosobrang mask na lang para hindi ako makilala. Tapos Nurse Nacino na lang ang sinasabi ko, ‘Nandito po ako para sa swab test niyo.’ Some were able to identify me, some weren’t, which I enjoyed din, kasi kumbaga I felt normal din,” sabi ng Kapuso star.
Samantala, triple naman ang ginagawa niyang pag-iingat noong kasagsagan ng pandemya lalo pa’t buntis si Melissa.
“Although naging magastos din kasi we had to disinfect palagi, and then when Mel was pregnant, kailangan todo-linis muna bago umuwi, so kami ‘yung talagang dehado.
“I think siguro na-bless kami dahil we were doing more than kung ano ang dapat lang binabayad sa amin na mura lang. Sa awa ng Diyos naging fruitful siya,” ani Rocco Nacino.
Hirit ni Alex: Sobrang sarap makasal, sa totoo lang. Kasi every night, there’s ‘swab test’
Kim, Jerald sanay na sa lock-in taping pero napapraning pa rin kapag nagpapa-swab test
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.