Robin sariling-sikap sa pagsa-swab test, hindi na nahintay ang nurse | Bandera

Robin sariling-sikap sa pagsa-swab test, hindi na nahintay ang nurse

Reggee Bonoan - May 24, 2021 - 03:50 PM

NAGULAT kami sa post ni Robin Padilla tungkol sa pagsa-swab test niya sa kanyang sarili pati na ng kanyang mga kasamahan dahil wala pa ang nurse na gagawa nito sa kanila.

Ang caption ni Binoe sa video post niya sa kanyang Instagram account, “6 ng umaga mag umpisa na kami ng trabaho pero wala pa ang nurse.

“Hindi dahilan sa mga mandaragat ang walang nurse, kailangan isagawa ang Covid test, basta isaksak mo ang swab stick hanggang sa dulo at makiliti mo ang utak mo, at kapag naluha kana tsaka mo iikot ng 5 hanggang 8 segundo ‘yun na raw ‘yun.

“Abbot antigen test courtesy of pareng Kiko,” sabi pa ni Robin.

Comment ng netizen na si @thedelbacho, “Self service swab, winner ‘to!”

Sang-ayon naman dito si @leoniep72, “@robinhoodpadilla ganyan sa work ko self swab test every week hello po good Mornite.”

Wala naman kaming nabasa sa napakaraming komento na hindi pabor sa ginawa ng aktor o nam-bash sa kanya.

‘Yun lang pagdating ng nurse, wala na siyang gagawin. Ha-hahaha!

Natawa naman ang wifey ni Robin na si Mariel Rodriguez sa ginawa niyang pag-swab test sa sarili, “Hahahahaha! babe you are so funny. Makiliti ang utak mo. Hehehe.”

Samantala, kaarawan kahapon ng pinakamamahal na Lola Mae (76 years old) ni Mariel na siyang nagpalaki at nagpaaral sa kanya katuwang ang Lolo Rafael Sazon (81 years old) at binati siya ni Robin na sobrang nagpapasalamat dahil inabutan niya ito.

Ipinost ng hubby ni Mariel ang larawan ni Lola Mae kasama ang apat na apo sa tuhod na anak ng magkapatid na Mariel at Kaye Garcia (manugang ni ABS-CBN consultant at Freddie Garcia).

Ang caption dito ni Robin, “Happy happy birthday to our fairy Grandmother. Have no fear lola mae is here!

“Napakapalad ko at naranasan ko sa buhay ko lalo sa idad ko na ito ang magkaroon pa ng lola. Walang katumbas ang ibinibigay na security at wisdom ni lola Mae sa akin at sa kanyang mga apo hanggang sa apo sa tuhod.

“Mula sa dugo ni lola Mae ay naisalin niya sa kanyang mga apo na ang pagtulong sa kapwa ay pananampalataya sa Dios.

“Tunay na ang pagmamahal at pag aaruga ng isang lola ay walang kabig kundi puro patulak.

“Naaalala ko tuloy ang ermats ni mama Eva na si lola Sion.

“Ang katagang ‘no good tree bears bad fruit’ ay makikita sa biblia sa Gospel ni Mateo 7:18 at Lukas 6:43. (Meron din pagkakasalin na ‘healthy tree cannot bear bad fruit’).

“Bagay na bagay kay lola Mae at sa kanyang binunga ang bersikulo na ito sa bibila Purihin ang Panginoong Maylika.

“My lola Mae, A happy blessed tree birthday to you. Praying for your excellent health and very long life of Praising God and protecting his creation.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pinasalamatan naman ni Mariel ang pagbati ng asawa sa kanyang pinakamamahal na Lola Mae.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending