Hirit ni Alex: Sobrang sarap makasal, sa totoo lang. Kasi every night, there’s 'swab test' Bandera

Hirit ni Alex: Sobrang sarap makasal, sa totoo lang. Kasi every night, there’s ‘swab test’

Ervin Santiago |April 09,2021
share this

Hirit ni Alex: Sobrang sarap makasal, sa totoo lang. Kasi every night, there’s ‘swab test’

Ervin Santiago April 09, 2021 - 10:40 AM

WALA pang plano ang mag-asawang Alex Gonzaga at Mikee Morada na magkaroon ng baby anytime soon.

Pahayag ng TV host-actress at vlogger, nais muna nila ng kanyang husband na ma-enjoy ang pagiging married couple bago siya magbuntis at magkaanak.

Sa bagong vlog ng celebrity cosmetic surgeon na si Vicki Belo, tinanong at kinumusta niya si Alex tungkol sa buhay nito ngayong may asawa na pati na rin ang kanyang sex life.

Pahayag ni Alex, “Sobrang sarap makasal, sa totoo lang. Kasi every night, there’s swab test.”

Nawindang naman si Vicki sa tinuran ng sikat na YouTuber at napa-comment ng, “Hoy sa ilong ‘yung swab. Ibang swab yata iniisip mo!”

“Ibang swab talaga ‘yung ginagawa namin. Pero talagang positive, negative, talagang positive pa rin,” ang tawa nang tawang biro ng sisteraka ni Toni Gonzaga.

Pambubuking pa ni Vicki, talaga raw bantay-sarado si Alex ng kapatid ng nanay niyang si Pinty Gonzaga, lalo noong kasagsagan ng lockdown at hindi pa sila kasal ni Mikee.

“Mommy Pinty is super strict. Talagang bantay-sarado. Actually, Alex is never alone with Mikee. Ang taga-bodyguard pa nu’n, ang kapatid ni Mommy Pinty,” sey ni Vicki.

“Nitong pandemic lang,” chika ni Alex. Aniya, usually daw ang kanyang road manager na rin ang nagsisilbing bodyguard niya kapag meron siyang trabaho. Kung minsan naman daw, pinapayagan siya ni Mommy Pinty na makipag-date kay Mikee nang walang bantay.

“But the thing is, nu’ng nag-pandemic, siyempre bawal lumabas, bawal mag-date. Siyempre ang tagal-tagal kong hindi nakita si Mikee.

“Siguro mga three months kaming hindi nagkita bago siya nakabisita sa bahay namin. Siyempre gusto mo siyang yakapin pero nakatingin ang mommy. Kahit daplis lang, wala,” kuwento pa ni Alex.

Kasunod nito, talagang diretsahan na ang tanong ni Vicki sa TV host-actress, “Aminin mo talaga since kasal ka na, wala talagang nangyari?

“Wala. Kiss lang,” tugon ng misis ni Mikee. “Saan?” sundot na tanong ni Vicki. “Alam mo panonoorin ng Mommy ’to. Mamaya na. Ikaw talaga,” hirit pa ni Alex.

At sa tanong kung kailan nila balak na magkaroon ng baby,  “Wala pa kaming plano ni Mikee kasi ini-enjoy pa lang namin yung isa’t isa. Kung kailan ibigay ni Lord kasi wala naman kaming contraceptive. Minsan tinatamad ako!”

Pagbabalik-tanaw pa ni Alex noong kasagsagan ng lockdown, mas gusto niyang makasama si Mikee sa mga simpleng ganap kesa sa intimate moments.

“Actually, not about the physical pero gusto mo na talagang makasama si Mikee kasi aalis siya tapos hindi mo na alam kung kelan next na magkikita kasi siyempre taga Lipa pa siya. Tapos ‘pag papasok na ako sa kwarto ko ang lungkot ko na.

“Sasabihin ko ‘Mommy, payagan n’yo na ako please mag-overnight. Ang sagot niya, ‘hindi’. Pakasal na lang,” aniya pa.

Ibinalita rin ng celebrity vlogger na plano rin nila ni Mikee na magkaroon ng church wedding after ng lockdown, “Meron kasi akong gown. Wala pang one-month ng proposal, bumili ako ng gown sa Singapore.

“Bigla na lang nagka-pandemic. Siyempre nanghihinayang ako. Sobra akong nanghinayang,” sabi pa ni Alex Gonzaga.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending