Chie Filomeno ipinagtanggol si Jake Cuenca sa mga epal na bashers: 'Alam ko kung gaano siya kabait, hindi siya red flag' | Bandera

Chie Filomeno ipinagtanggol si Jake Cuenca sa mga epal na bashers: ‘Alam ko kung gaano siya kabait, hindi siya red flag’

Ervin Santiago - August 31, 2023 - 07:28 AM

Chie Filomeno ipinagtanggol si Jake Cuenca sa mga epal na bashers: 'Alam ko kung gaano siya kabait, hindi siya red flag'

Chie Filomeno at Jake Cuenca

“I THINK ang mga tao, ang bilis nilang mag-judge dahil lang sa mga nakikita at nababalitaan nila,” ang pagtatanggol ni Chie Filomeno kay Jake Cuenca.

Inamin ng Kapamilya actress na inspirasyon nila ni Jake ngayon ang isa’t isa pero wala pa raw talagang masasabing label ang kanilang relasyon.

“May understanding? I think in a relationship, in any kind of relationship, yun ang pinakaimportante. Formality? Wala pa naman,” ang paglilinaw ni Chie nang makapanayam ng ilang members ng press sa mediacon ng “A Very Good Girl.”

Sagot ng dalaga nang sabihing exclusively dating na raw sila ngayon ng aktor, “We’re talking, we’re taking our time. You can say dating, of course, nag-uusap kami.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by C H I E (@chiefilomeno)


“Ang maganda kasi kay Jake is alam niya kasi where my heart is, yung priority ko, and hindi niya minamadali. Very gentleman siya and he respects my decision and he’s willing to wait,” aniya pa.

Sinagot din ni Chie ang tanong kung nararamdaman ba niya na baka “rebound” lang siya ni Jake matapos ang breakup nito sa ex-girlfriend na si Kylie Verzosa.

Baka Bet Mo: Jake muling ibinandera ang feelings kay Chie matapos pumirma ng network contract sa ABS-CBN: ‘I’m so proud of you!’

“I think he’s mature enough na hindi siya papasok sa isang bagay na hindi pa siya ready, hindi pa fully committed. I think yun nga, kaya we are taking our time, I am taking my time also.

“Me, I am also private with my relationships before, and right now kasi first time kong may maka-date from this industry na naging public. Yeah, we’re taking our time,” sabi pa ni Chie.

Ipinagtanggol din ng aktres si Jake sa mga tumatawag ditong “walking red flag”,  “I think ang mga tao, ang bilis nilang mag-judge na ganitong tao si Jake kasi sa mga nakikita nila, nababalitaan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jake Cuenca (@juancarloscuenca)


“But alam ko at alam natin kung gaano kabait na tao si Jake, kung gaano siya kamaalaga. Hindi siya red flag, hindi siya ganu’n.”

“Siguro we’re both misunderstood sa industry and also by the people around us. Pero kasi magsa-shine talaga yung totoong intention mo.

“May mga sasabihin ang mga tao, pero ikaw sa sarili mo, alam mong you’re in a good place, your heart is in the good place, makikita ng tao yan. Alam niyo kung gaano rin kabait si Jake, alam natin kung gaano niya kamahal yung ginagawa niya,” pagbabahagi pa niya.

Ano nga ba ang mga qualities ni Jake na gustung-gusto niya, “What I like about him, grabe siya magmahal. He’s really passionate with his craft. Love na love niya ang family niya. He’s family-oriented. Yun ang ina-admire ko sa kanya.”

“Marami akong natutunan sa kanya, at marami din siyang natutunan sa akin. Very progressive na very progressive na tayo ngayon. Marami akong advice na nakukuha sa kanya.

“He’s not afraid to tell me also na on what should I do in terms of acting. Nakakataba ng puso kasi he’s not madamot. He’s very generous sa lahat ng bagay,” ani Chie.

Samantala, na-meet na rin daw ni Jake ang parents ni Chie, “Sa premiere ng Cattleya Killer (digital series). Sabi naman nila Mommy and Daddy, 27 na naman ako, I can make my own decision, pero nandiyan pa rin naman sila to guide me.”

Knows din daw ni Jake ang mga priorities niya sa buhay kaya hindi rin siya minamadali nito,  “Alam niya kung ano ang priority ko, and he knows how much I love my family also.

“Ayaw niya ng any distractions for me. Kaya nga sinasabi ko, sobrang understanding niya kasi alam niya where my heart is right now,” aniya pa.

Chie Filomeno sa relationship status nila ni Jake Cuenca: You can say ‘dating’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jake Cuenca wala pang time para sa lovelife, pero pwede nang makipag-date: ‘It will come at the right time’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending