Jake Cuenca niregaluhan ng bagong kotse ang ina

Jake Cuenca may bonggang sorpresa sa ina, niregaluhan ng bagong kotse

Pauline del Rosario - August 13, 2023 - 02:00 PM

Jake Cuenca may bonggang sorpresa sa ina, niregaluhan ng bagong kotse

PHOTO: Screengrab from Instagram/@juancarloscuenca

KAYA naman pala patuloy ang natatanggap na blessings ng aktor na si Jake Cuenca.

Todong pagmamahal kasi ang ibinubuhos niya sa kanyang ina na si Rachelle.

Marami ang naantig sa latest social media post ng aktor dahil sinorporesa niya ng isang brand-new car ang kanyang nanay kahit wala namang espesyal na okasyon.

Sa Instagram mapapanood ang masaya at emotional moment ng mag-ina habang ipinapakita ni Jake ang bagong kotse na kanyang ibinili para kay Mommy Rachele.

“On the comeback after the pandemic, I told myself to keep my circle small and make sure to take care of the people I love starting with you, mama.” sey ni Jake sa kanyang caption.

Dagdag pa niya, “Got my mom a brand new car today. I love you mama. Kulang pa yan.”

“Thank you, Lord, for moments like this,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Chie Filomeno, Jake Cuenca nasa ‘getting to know’ stage pa: ‘Wala pang label…Nag-uusap kami and taking time’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jake Cuenca (@juancarloscuenca)

Napa-comment mismo si Mommy Rachele sa post ni Jake at inilarawan na siya raw ay “blessed” sa kanyang anak.

Komento niya, “Blessed! No words can describe how grateful and touched I am!”

Sambit pa niya, “Thank you, Jakey. I love you to the moon and back.”

Mukhang pati ang nililigawan ng aktor na si Chie Filomeno ay naantig sa ginawa niya para sa ina.

Nagkomento ang aktres ng holding back tears emoji at heart hands emoji.

Ilan pa sa mga natuwa na kapwa-artista ay sina Bela Padilla, KC Concepcion, Vina Morales, at marami pang iba.

Sa kasalukuyan, abala si Jake sa ABS-CBN action-drama TV series na “The Iron Heart.”

Ang ginagampanan niyang karakter diyan ay bilang “Eros.”

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Albie todo pasalamat sa mga supporters: I have the best fans in the world!

Buboy Villar proud sa naipundar na kotse, bumili upang makasama ang 2 anak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending