Ogie: ‘Even other drag queens don’t understand your point, teh’

Ogie Diaz kay Pura Luka Vega: ‘Even other drag queens don’t understand your point, teh’

Pauline del Rosario - August 26, 2023 - 10:11 AM

Ogie Diaz kay Pura Luka Vega: ‘Even other drag queens don’t understand your point, teh’

Ogie Diaz, Pura Luka Vega

HINDI na napigilang magbigay ng reaksyon ang talent manager at komedyante na si Ogie Diaz sa latest post ng kontrobersyal drag performer na si Pura Luka Vega.

Kamakailan lang, ibinandera ni Pura Luka sa social media ang kanyang panawagan ng paghingi ng donasyon para sa pagharap niya sa korte.

Walang nabanggit kung anong kaso ang ilalaban niya, pero ang nakasaad sa kanyang post ay gagamitin ito para sa nakatakda niyang court hearings sa Setyembre.

Paliwanag pa ng drag queen, ang makikinabang sa makakalap na pera ay ang kanyang pamilya, at para na rin sa kanilang food at transportation expenses.

Baka Bet Mo: Kim Atienza kay Pura Luka Vega: I sincerely hope you develop the empathy

Ipinost ‘yan mismo ng INQUIRER at ibinahagi naman ito ni Ogie sa kanyang X (dating Twitter) account.

Mensahe ng talent manager kay Pura Luka, “Even other drag queens don’t understand your point, teh.”

“Public apology ka na lang for now. Sincerely. Para magaan sa p[a]kiramdam,” wika pa niya.

Dahil sa ginawang pambabastos ng drag queen sa sagradong awitin ng mga Katoliko na “Ama Namin” ay idineklara siyang “persona non grata” o unwelcome person sa maraming lugar sa bansa.

Ilan sa mga hindi na niya pwedeng puntahan ay ang Maynila, Cebu City, Floridablanca sa Pampanga, General Santos City, Toboso sa Negros Occidental, Bukidnon, Dinagat Islands, Nueva Ecija, Laguna, Occidental Mindoro, Coron sa Palawan, at South Cotabato.

Bukod diyan, sinampahan din siya ng patung-patong na reklamo ng religious groups na “Hijos del Nazareno – Central” at “Philippines for Jesus Movement.”

Ayon sa mga grupo, nilabag ni Pura Luka ang Article 201 Section 2 ng Revised Penal Code na may kaugnayan sa “indecent shows, publications or exhibitions,” gayundin ang Section 6 ng Cybercrime Prevention Act.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pura Luka Vega idineklarang persona non grata sa Maynila

‘Ama Namin’ drag performance ni Pura Luka Vega umani ng batikos mula sa madlang pipol

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending