Bagong ‘Teenage Mutant Ninja Turtles’ star-studded, tampok ang boses nina Jackie Chan, John Cena, Post Malone
NAABUTAN niyo pa ba ang iconic cartoon noong dekada otsenta, ang “Teenage Mutant Ninja Turtles?”
Nako, muli nanaman ‘yan umingay sa takilya dahil palabas na sa mga lokal na sinehan ang bagong animated film nito na pinamagatang “Mutant Mayhem.”
Talaga namang nostalgic ang pakiramdam kapag napanood mo ang pelikula at lalo kang ma-eenjoy dahil sa nakakaaliw nitong storyline.
Bukod diyan, star-studded ang mga nagbigay-buhay sa cartoon characters.
Kabilang na riyan sina John Cena, Jackie Chan, Post Malone at Paul Rudd.
Baka Bet Mo: ‘Blue Beetle’ palabas na sa mga sinehan, Inka Magnaye ‘speechless’ nang marinig ang boses sa big screen
Mabobosesan mo rin sina Micah Abbey, Shamon Brown Jr, Hannibal Buress, Rose Byrne, Nicolas Cantu, Ice Cube, Natasia Demetriou, Ayo Edebiri, Giancarlo Esposito, Brady Noon, Seth Rogen, at Maya Rudolph.
Nakakabilib ang istorya ng animated film na kung saan ipinakita rito ang pagpupursige ng mga bidang mutant turtles na maging katanggap-tanggap sa mundo ng mga tao.
Isa lang naman ang pangarap ng Turtle Brother, ang mamuhay bilang mga normal na teenagers kasama ang mga New Yorkers.
At alam niyo ba, bilang nauna itong ipalabas sa ibang bansa ay nakakuha ito ng 97% na rating mula sa American review-aggregation website for film and television na Rotten Tomatoes.
Narito ang ilang reviews na aming nabasa mula sa international entertainment media:
Ayon sa Hollywood Reporter, “The film features vibrantly distinctive visuals that perfectly suit the rambunctious and frequently violent proceedings. The celebrity performers seem to be having a blast as well.”
Lahad naman ng Deadline Hollywood, “Fans will not be disappointed with any of the decisions here, notably the scattershot animation that feels rough around the edges, stylish, visually surprising and satisfying and anti-CGI blandness.”
Para sa Indiewire “Mutant Mayhem is another fresh, funny animated outing that breathes serious new life into a classic franchise, proving that even old IP has its legs (claws?). It is a genuinely entertaining film for the whole family.”
Related Chika:
No. 1 movie ng South Korea na pinagbibidahan nina Lee Byung-hun, Park Seo-jun ipalalabas sa Pinas
‘Barbie’ movie gumawa ng kasaysayan, humakot ng $1-B sa takilya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.