No. 1 movie ng South Korea na pinagbibidahan nina Lee Byung-hun, Park Seo-jun ipalalabas sa Pinas
GOOD news sa mga Korean fans diyan!
Mukhang may bagong Korean movie kayo na aabangan sa susunod na buwan.
Nakatakda kasing ipalabas sa ating bansa ang binansagang number one movie sa South Korea, ang “Concrete Utopia.”
Ang mga bida sa thrilling disaster film ay walang iba kundi ang Korean heartthrobs na sina Lee Byung-hun at Park Seo-jun.
Bukod sa kanila, tampok din ang iba pang sikat na artista tulad nina Park Bo-young, Park Ji-hu, Kim Do-yoon at Kim Sun-young.
Baka Bet Mo: Inka Magnaye tampok ang boses sa DC film na ‘Blue Beetle’: It’s been one of my big dreams!
Ang “Concrete Utopia” ay base sa ikalawang kabanata ng hit webtoon na may titulong “Joyful Outcast.”
Mala-end of the world ang peg ng nasabing pelikula na kung saan ay iikot ang kwento nito sa mga survivors matapos mangyari ang isang napakalakas na lindol.
Dahil sa laki ng pinsala, isang building lamang sa Seoul ang nanatiling nakatayo mula sa mga pagguho ng lupa at ‘yan ang tinawag nilang Hwang Gung Apartments.
Habang tumatagal, tila napupuno na ang mga nakikitira sa nasabing apartment hanggang sa nakaramdam na sila ng banta sa kanilang buhay at naisipang gumawa ng espesyal na patakaran.
Sino kaya ang mga matitirang huling survivors sa pelikula?
Mapapanood ang “Concrete Utopia” sa mga lokal na sinehan sa darating na September 20.
Related Chika:
Lolit Solis todo puri kay Sandara Park: Para siyang tunay na Filipino kung magsalita at kumilos
‘Barbie’ movie gumawa ng kasaysayan, humakot ng $1-B sa takilya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.