Inka Magnaye tampok ang boses sa DC film na ‘Blue Beetle’: It’s been one of my big dreams!
SA wakas! Natupad na rin ng content creator na si Inka Magnaye ang isa sa kanyang mga pangarap na maging parte ng superhero world.
Isa kasi siya sa mga napiling voice talents para sa Philippine release ng upcoming superhero film na “Blue Beetle.”
Ayon sa pahayag ng Warner Bros. Pictures ay bibigyang-buhay ng boses ni Inka ang “The Scarab,” ang ancient alien relic na tumutulong sa superhero ng pelikula.
“The Scarab, called Khaji-Da, guides Jaime Reyes and helps him discover — and learn to control — his seemingly limitless new powers on his journey to becoming the superhero Blue Beetle,” lahad ng film distribution company.
Kinumpirma rin ‘yan mismo ng content creator at proud pa nga niya itong ibinandera sa kanyang Instagram page.
Baka Bet Mo: ‘Blue Beetle’ ang bagong superhero ng DC comics, first time na bibida ang isang Latino
“I’M IN A DC MOVIE!! I am wildly honored to announce that I will be the voice of the scarab for the Philippine theatrical release of DC’s new movie, ‘Blue Beetle,’” wika niya kalakip ang behind-the-scenes photos na tila nasa isang recording studio.
Dagdag niya, “It’s been one of my big dreams to be a canon part of a superhero world, and now I get to share this wonderful news with all of you!!”
“Some of the lines will be in Tagalog, too!,” pagbubunyag pa niya.
View this post on Instagram
Para sa mga hindi pa masyadong aware, Ang “Blue Beetle” ay ang kauna-unahang Latino superhero na pinagbibidahan ni Xolo Maridueña.
Sa pasilip ng pelikula, mapapanood na ginagampanan ni Xolo ang alter ego bilang si Jaime Reyes, ang college graduate na naging superhero matapos makatanggap ng isang food container na naglalaman ng Scarab.
Tampok din sa bagong DC film sina Adriana Barraza, Damían Alcázar, Elpidia Carrillo, Bruna Marquezine, Raoul Max Trujillo, Oscar winner Susan Sarandon, George Lopez, at marami pang iba.
Nakatakdang ipalabas ang “Blue Beetle” sa mga sinehan sa August 16.
Related Chika:
Inka Magnaye emosyonal sa first international flight, naantig nang marinig ang sariling boses
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.