Paalala ni Inka Magnaye sa lahat ng may alagang hayop: 'Huwag silang palakarin sa mainit na semento at buhangin' | Bandera

Paalala ni Inka Magnaye sa lahat ng may alagang hayop: ‘Huwag silang palakarin sa mainit na semento at buhangin’

Ervin Santiago - April 09, 2023 - 07:15 AM

Paalala ni Inka Magnaye sa lahat ng may alagang hayop: 'Huwag silang palakarin sa mainit na semento at buhangin'

Inka Magnaye

NAGPAALALA ang host at online personality na si Inka Magnaye sa lahat ng fur parents na triplehin ang ginagawang pag-iingat at pag-aalaga sa mga alagang hayop ngayong summer.

Patindi nang patindi na ang init sa Pilipinas at ayon kay Inka, tulad ng mga tao, nakakaramdam din ng init ang mga hayop lalo na ang mga aso.

Kaya ang isa sa mga advice ng voice talent, huwag na huwag palalakarin ang mga aso (pati na rin mga pusa) nang nakapaa sa initan.

Naikuwento ni Inka sa kanyang mga social media followers ang isang insidente na kanyang nasaksihan habang nagbabakasyon sa La Union para sa long weekend.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Inka Magnaye (@inkamagnaye)


Nakita raw niya ang isang lalaki na pinalalakad ang alagang aso sa napakainit na buhanginan kaya naglakas-loob siya na kausapin ang naturang fur parent.

“If you’re out of town with your dogs, please DON’T make them walk on the hot sand or hot cement,” ang caption ni Inka sa ipinost niyang litrato kasama ang alaga niyang dog sa Facebook.

Dagdag pa niya, “I saw a man trying to walk his dog over the hot sand and the dog kept trying to pull back. I told him it was too hot and thankfully he carried his pup to the water.”

“KUNG MASYADONG MAINIT PARA SA PAA MO, MAINIT DIN PARA SA KANILA,” ang mensahe pa ng content creator.

Marami naman ang sumang-ayon sa mga naging pahayag ni Inka kasabay ng pagpapasalamat sa patuloy niyang pagpapalaganap ng kanyang advocacy para sa animal welfare.

Narito ang ilan sa mga comments ng FB followers ni Inka patungkol sa kanyang payo.

“Totoo to ate Inka Magnaye, sensitive din ang mga dogs sa init lalo na wala silang sapin sa paa kaya dapat careful ang mga furparents , kaya ako pag alam kong my something wrong sa dog ko di sya comfortable , di kona tinutuloy. Hello raw ate inka.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Inka Magnaye (@inkamagnaye)


“Also, please don’t walk your dog in scorching heat on cement ground. We wear slippers to protect our feet, we should at least protect our pup’s too.”

“Trueeeee. We even sleep inside the airconditioned room -Shobe-tatay 1/2.”

“I don’t get it why people get dogs when they don’t even know how to properly take care of them.”

“Thanks Inka for using your platform to spread awareness on relevant issues.”

“Ilang followers din ang nagpasalamat kay Inka para sa paggamit ng impluwensya nito online para sa kapakanan ng mga hayop sa kabila anila ng common sense na sanang sitwasyon.”

“Thank you for creating awareness on this Ms. Inka. A lot of people doesn’t seem to realize this even if it may seem like common sense.”

“Thank you for always raising awareness through your posts and actions!”

“Same with the weather, if it’s too hot outside, please don’t walk your doggos.”

“Thanks for speaking out and raising awareness on responsible pet ownership.”

“Kaya sa lahat ng mga hahabol pang magkabakasyon kasama ang mahal na alaga, siguraduhin sana na sila ay nag-e-enjoy at higit sa lahat ay ligtas at komportable rin sa biyahe at sa bago nilang paligid.”

Inka Magnaye emosyonal sa first international flight, naantig nang marinig ang sariling boses

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alagang aso ni Christian Bables na napulot niya noon sa kalye celebrity dog endorser na ngayon: ‘I never have thought she’s this beautiful’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending