Hugot ni Loisa Andalio sa isyu ng cheating: ‘Mas mahirap patawarin yung mga huling-huli mo na, todo deny pa’
HINDI nahirapan ang Kapamilya actress na si Loisa Andalio na patawarin at bigyan ng second chance si Ronnie Alonte matapos itong magkamali.
Para sa dalaga, napakadaling magpatawad lalo na kung nakikita niyang sincere at totoo ang paghingi ng sorry ng taong nagkasala sa kanya at kung agad umamin sa mga nagawa nilang pagkakamali.
Ayon kay Loisa, pinatawad niya si Ronnie nang minsan itong magkamali at madiin sa isyu ng cheating o panloloko dahil hindi na ito nagdenay-denay pa at umamin agad na totoong minsan ay hindi siya naging tapat sa kanilang relasyon.
View this post on Instagram
“Para sa akin, choice talaga ‘yun, eh. Kasi wala rin naman talagang perfect na tao. Kahit ako, hindi rin naman ako perfect.
“Sige, sabihin na nating magkakaroon din ako ng bagong relationship, for sure hindi rin naman magiging perfect ‘yun eh. Kaya nga sabi nila ‘di ba, ‘I’d rather have bad times with you, than good times with someone else,’” pahayag ni Loisa sa panayam ng Push Bet Live.
“‘Yun kasi ‘yun, eh. Parang okay na yung may pinagdadaanan kayong ganyan. Importante malalagpasan niyo ‘yun. ‘Yun dapat yung goal. Hindi yung maghihiwalay kayo nang dahil lang du’n.
Baka Bet Mo: Ronnie Alonte, Loisa Andalio umaming natakot kay Joey de Leon: Pero ang dami naming natutunan sa kanya
“Kasi kung sa maliit na bagay nga, naghiwalay kayo, paano pa yung malalaking bagay na dadating pa sa inyo?” katwiran pa ng aktres.
“Sa totoo lang, hindi lang talaga mahirap magpatawad. Talagang tao din kasi ‘yung mga nagpapakumplika ng mga ganyan.
View this post on Instagram
“Kasi (yung pagpapatawad), para sa atin din naman ‘yun e. Kapag pinatawad natin yung tao, magkakaroon tayo ng peace sa sarili natin. And in fairness naman sa kanya, deserving naman siya,” mariin pang sabi ng dalaga.
“Yung point na inamin niya yung pagkakamali niya, ‘yun yung malaking bagay kasi marami akong kilala sa past relationships ko na huling huli mo na, hindi pa umaamin.
“So, mas mahirap patawarin yung mga huling huli mo na, todo deny pa. Pero siya aminado siya, at hindi na niya uulitin, eh ‘di okay tayo,” aniya pa.
Natanong din ang Kapamilya young couple kung binabalak na rin ba nila ang magpakasal at bumuo ng sariling pamilya, “Meron pero ngayon hindi pa namin talaga pinag-uusapan kasi focused muna kami sa kanya-kanyang work. At siyempre ipon muna.
“Kasi yung pagse-settle down madali lang ‘yan eh, basta kaya na namin. Pero wala pa ngayon. Siguro after 5, 8 years, or 9 years,” sey pa ni Loisa sa nasabing panayam.
Promise ni Ronnie: Wala na akong ibang hahanapin pa at wala akong balak pakawalan si Loisa!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.