Ronnie Alonte, Loisa Andalio planong magpakasal kapag malaki na ang ipon sa bangko; Maymay Entrata hugot na hugot sa kantang ‘Tsada Mahigugma’
APAT hanggang limang taon pa ang hihintayin ng celebrity couple na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio bago tuluyang lumagay sa tahimik.
Ibig sabihin, may enough time pa ang magdyowa para mas mapaghandaan ang kanilang dream wedding pati na ang magiging future ng kanilang magiging mga anak.
Seven years nang magkarelasyon sina Ronnie at Loisa at in fairness, mukhang mas nagiging solid pa ang kanilang samahan habang tumatagal. Very obvious din na super love na love pa rin nila ang isa’t isa.
“Wala pa (usapang kasal), mag-iipon muna kami,” ang chika ni Ronnie sa panayam ng ilang miyembro ng media.
“Kapag malaki na ang laman ng bangko,” ang hirit naman ni Loisa.
View this post on Instagram
Tinanong nga sila kung gaano katagal ang hihintayin ng kanilang mga fans para masaksihan ang kanilang wedding, sagot ni Ronnie, “Siguro mga five years sana, after.”
Nang biruin siya ng press na ganu’n din ang sinabi niya last year, “Eh ‘di four years na lang. Ha-hahahaha!”
Nauna rito, sinabi na rin ng Kapamilya couple na napag-uusapan na rin naman nila ang kasal pero hindi pa ito mangyayari very soon dahil mas gusto muna nilang i-prioritize ang kanilang respective career.
Baka Bet Mo: Loisa Andalio sumusumpang walang ipinaretoke sa mukha’t katawan: ‘Your body, your rules… Ayun lang po’
Kasalukuyang napapanood sina Loisa at Ronnie sa ABS-CBN series na “Pira-Pirasong Paraiso”, Lunes hanggang Biyernes, 3 p.m. at Sabado ng 2:30 p.m., sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.
* * *
Nag-uumapaw sa saya ang puso ni Maymay Entrata sa kanyang bagong labas na awitin na tinawag na “Tsada Mahigugma.”
Galing ang titulo ng kanta sa Bisaya phrase na nangangahulugang “It feels great to be in love.” Hatid din ng awitin ang mensahe na magtiyaga lamang sa paghihintay na dumating ang tamang pag-ibig.
“Ang sarap po magmahal, di ba po? ‘Tsada’ could be wonderful, maganda, masarap, gwapa, gwapo, tapos ‘mahigugma’ is love. Ibig sabihin po nito, it’s good to feel love and feel loved,” paliwanag ni Maymay nang una niya itong inawit bilang surprise number sa 1MX London Music Festival nitong nakaraang buwan.
View this post on Instagram
Si Maymay mismo ang nagprodyus ng kanta kasama si Star Pop label head Rox Santos. Si CJ Kaamiño naman ang sumulat ng awitin habang si Justin Catalan ang nag-areglo at si Theo Martel ang nag-mix at master nito.
Sinundan ng “Tsada Mahigugma” ang hit song ni Maymay na “Autodeadma” kung saan tampok bilang featured artist ang Korean singer na si Wooseok ng grupong Pentagon.
Napapakinggan na ngayon ang “Tsada Mahigugma” sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube.
Promise ni Ronnie: Wala na akong ibang hahanapin pa at wala akong balak pakawalan si Loisa!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.