Loisa Andalio, Ronnie Alonte nabiktima ng 'Basag-Kotse Gang', 3 iPhone natangay | Bandera

Loisa Andalio, Ronnie Alonte nabiktima ng ‘Basag-Kotse Gang’, 3 iPhone natangay

Reggee Bonoan - December 02, 2022 - 12:16 PM

Loisa Andalio, Ronnie Alonte nabiktima ng 'Basag-Kotse Gang', 3 iPhone natangay

GUSTO lang naman kumain ng magkarelasyong sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio sa isang café somewhere in Bacoor City, Cavite nitong Miyerkoles ng gabi, Nobyembre 30 ay nabiktima pa ng basag-kotse gang.

Ayon sa report ni Dennis Datu ng ABSCBN news ay ipinarada nina Ronnie at Loisa ang kanilang mamahaling jeep sa gusali kung saan malapit ang café na pinuntahan nila.

Natangayan ng iPhone 11 at iPhone 13 ang dalawa nang basagin ng mga salarin ang middle right side window ng sinakyang black Jeep Wrangler JL model.

Nangyari ang insidente sa Molino Road, Barangay. Molino 3, Cavite base sa report ng Bacoor City Police kung saan nag-file ng police report ang aktor na si Ronnie na nakasuot ng short, white sneakers, at bucket hat.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa naglalabas ng kanilang saloobin ang magkarelasyong Ronnie at Loisa.

Ang mga nabasa naming komento mula netizens sa mga nawalang cellphone.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Loisa Andalio (@iamandalioloisa)

Sabi ni @Pa Tang, “Di naman mapapakinabangan ‘yang I phone pag naka lock ano gagawin ng magnanakaw dun?”

Say naman ni @Shainamae Tumbokon, “anlala nang comment section!!! taena!!!

May inaalala naman si @Marlon Celis, “Ang iniisip ko kung anu mga naka save sa cp.”

Tila sinisisi ni @Regie Garfil, ang dalawa,“Nag iiwan pa kse ng gamit:

Tsika ni @Saih Tamah, “May aabangan na naman ako sa Twitter. Hahaha

At dahil si Ms Lani Mercado-Revilla ang mayor ng Bacoor City ay payo ng netizen na si

@May Villanueva Sabangan, “Dapat aksyunan ni Mayor Lani Mercado ang mga krimen ngyayayari sa Bacoor.. mula ng hindi na si PRRD naglabasan ulit mga criminal.”

Mula kay @Suadee Bautista Hifny, “mas mahal pa ‘yung presyo nu’ng binasag na salamin ng jeep wrangler kesa du’n sa mga nawalang cp, for sure extra phones lang nila yun and buti safe sila.”

Related Chika:
Promise ni Ronnie: Wala na akong ibang hahanapin pa at wala akong balak pakawalan si Loisa!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gerald nabiktima ng Basag-Kotse Gang: Grabe ang lalakas talaga ng loob n’yo!

Payo nina Ronnie at Loisa sa mga gustong mag-artista: Go lang nang go, sundin ang nasa puso n’yo!

Loisa Andalio sumusumpang walang ipinaretoke sa mukha’t katawan: ‘Your body, your rules… Ayun lang po’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending