Gerald nabiktima ng Basag-Kotse Gang: Grabe ang lalakas talaga ng loob n’yo!
Gerald Anderson
MILYONES ang halaga ng mga natangay na gamit at pera ng mga miyembro ng Basag Kotse Gang mula sa sasakyan ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson.
Base sa report, naganap ang insidente dakong alas-5 ng hapon nitong nagdaang Linggo, Feb. 13 sa harap mismo ng pag-aaring gym ng aktor, ang The Th3rd Floor.
Sa ipinakitang mga eksena sa CCTV, makikita ang pagdating ng dalawang motorsiklo sa Don A. Roces Avenue sa Quezon City kung saan nga nakapuwesto ang gym ni Gerald.
Sinipat muna ng isa sa mga suspek (ang nakaangkas na lalaki sa isang motorsiklo) ang laman ng SUV ni Gerald bago tuluyang binasag ang bintana sa bandang likuran.
Mabilis nitong kinuha ang bag ng aktor sa likuran pati na ang isa pang bag na nasa harapan ng sasakyan.
Ayon sa ulat ng “Unang Balita” ng GMA, natunton naman agad ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kinaroroonan ng isa sa mga miyembro umano ng Tondo-based Basag-Kotse group.
Narekober sa suspek ang mamahaling bag ni Gerald pati na ang dalawang relo nito. Pero hindi na nila natagpuan ang mga dokumentong pag-aari ng aktor tulad ng mga ID, passport at wallet.
Samantala, sumuko naman ang isa pang suspek na kinilalang si John Allen Dancel na siya umanong bumasag sa bintana ng SUV ni Gerald.
Ayon sa paunang imbestigasyon, nasa P20,000 cash ang natangay ng sindikato mula kay Gerald bukod pa ito sa P50,000 na nai-transfer ng isa sa mga suspek mula sa crypto wallet ng aktor gamit mismo ang laptop nito.
“Gusto ko pong gamitin ang pagkakataon na ito para magpasalamat sa NBI lalo na Special Action Unit.
“Sobrang salamat po sa inyo sa perseverance at sa patience para mahanap po natin ang gumawa ng krimen na ito sa aking sasakyan na basag-kotse gang,” pahayag ng binata sa isang panayam.
“Reaksyon ko? Shocked. Basag ‘yung salamin ng kotse ko. Kasama sa mga nakuha ‘yung mga IDs ko, passport, mga gadgets ko like laptop. Ang sama ng pakiramdam na ‘yun eh, ‘yung information mo, ‘yung credit card, ATM card mo… nawala,” sabi pa ni Gerald sa panayam ng ABS-CBN.
View this post on Instagram
Tinanong din si Gerald ng mga reporter na nag-interview sa kanya ngayong araw kung bakit nag-iwan siya ng mga mahahalagang gamit at pera sa loob ng sasakyan.
“Hindi ko masagot ‘yan, kasi kakauwi ko lang ng Maynila noong time na ‘yun. Nasa harap ng establishment ko. Nasa harap siya mismo ng pinto.
“So, talagang nakita ko na, grabe, ang lalakas talaga ng mga loob niyo. Kasi nasa harap sila ng pinto.
“But again, gusto ko ring sabihin ito, maging awareness na rin sa mga tao na huwag mag-iwan ng mga gamit sa loob ng kotse,” sey pa ni Gerald.
https://bandera.inquirer.net/291561/sharon-basag-na-basag-na-naman-ang-puso-today-is-actually-a-very-sad-day-for-our-whole-family
https://bandera.inquirer.net/287621/angeline-niregaluhan-ng-motor-at-kotse-ang-dating-dyowa-ok-lang-naman-kasi-mahal-ko
https://bandera.inquirer.net/303440/sid-lucero-naranasan-nang-makipag-sex-sa-loob-ng-kotse-nathalie-hart-na-shock-omg-youre-so-wild
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.