Sexy star na sumali sa beauty contest kinain ang sinabing hindi siya papatol sa may-asawa | Bandera

Sexy star na sumali sa beauty contest kinain ang sinabing hindi siya papatol sa may-asawa

Reggee Bonoan |August 22,2023
facebook
share this

Sexy star na sumali sa beauty contest kinain ang sinabing hindi siya papatol sa may-asawa

Reggee Bonoan - August 22, 2023 - 05:55 PM

Sexy star na sumali sa beauty contest kinain ang sinabing hindi siya papatol sa may-asawa

Guess, guess who!? Mahulaan n’yo kaya kung sino sila?

NANG una naming makatsikahan ang sexy star na sinubukan ding sumali noon sa beauty contest ay ipinagdiinan niyang hindi siya na-attract sa mga nagpaparamdam sa kanya during the pre-pageant night.

May mga tsika kasi na para magkapuwesto ka sa isang beauty contest ay pagbigyan mong maka-dinner o maka-date ang isa sa mga hurado.

At sa mga sumunod pa naming panayam sa sexy star ay hindi pa rin nagbago ang pananaw niya sa buhay na aminadong maraming nagpaparamdam pero dedma siya.

Ang gusto kasi niya ay totoong lalaking magmamahal sa kanya na kasama niyang bubuo ng pamilya at siya lang ang asawa dahil nga lumaki rin siya sa buo at magandang pamilya.

Pero may nabalitaan kami na close raw ngayon ang sexy star sa isang politiko at ang source namin ay kasama rin sa circle ng grupo nila.

Wala naman kaming nabalitaang dumalo ang sexy star sa isang pagtitipon ng politiko o kaya magkakilala sila dahil abala naman sa trabaho ang guy.

Anwyay, wala naman kaming pakialam kung close sina sexy star at politiko ang naalala lang namin ay ang mga sinabi ng una na gusto niyang mahalin siya na siya lang ang asawa at bubuo sila ng pamilya.

Baka Bet Mo: Moira nagsalita na ukol sa hiwalayan nila ni Jason: While our marriage was not perfect, I have stayed true to my vows

E, itong politikong close ni sexy star ay hindi na binata kaya imposibleng masolo niya ito. Sabagay, close lang naman sila, hindi naman sinabing may relasyon sila.

Hmmm, interesting ang kuwentong ito, aabangan namin ang susunod na kuwento ng aming source kung nag-level up na ang closeness nina sexy star at politiko.

* * *

White flower oil ba ang pampagising ng mang-aawit na si Moira dela Torre para gumaan ang pakiramdam niya?

Base kasi sa post niya sa kanyang Instagram account ay bagong gising siya at naisipang mag-selfie at nag-post ng video na nagpatak ng nasabing oil sa kanyang palad at sabay rub at saka inilagay sa ilong niya at saka bumulong ng, “good morning.”

Ang caption niya ay, “Mornings with you.”

Komento ni KC Concepcion, “RISE and SHINE.”

Sabi ng netizen na si @tinkererdude, “Sana ako na lang yung sunflower mo.”

Say ni @moira.nisha, “Proud user here since I’m in Elem pa.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Moira (@moiradelatorre)


Ayon naman kay @maria.chriselle, “Ngayon ko lang po nalaman na mas effective pala magbuhos ng white flower nang ganun, thank you Moira! Hahahahaha.”

Anyway, wala namang nakalagay na paid-ad kaya sure kami na hindi ito ineendorso ng singer-songwriter.  Baka naging habit na lang niyang gumamit nito.

Marami rin kaming kilalang personalidad na laging gumagamit nito pero kapag masakit lang ang ulo nila o kaya ay nahihilo. Pero kakaiba si Moira dahil bagong gising niya itong ginagamit.

Sanya kamukha raw ni Rabiya; gusto ring maging beauty queen, pero…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vice Ganda sinupalpal ang netizen na sinabing susunod na siya kay Moira na makikipaghiwalay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending