Vice Ganda sinupalpal ang netizen na sinabing susunod na siya kay Moira na makikipaghiwalay | Bandera

Vice Ganda sinupalpal ang netizen na sinabing susunod na siya kay Moira na makikipaghiwalay

Therese Arceo |June 04,2022
facebook
share this

Vice Ganda sinupalpal ang netizen na sinabing susunod na siya kay Moira na makikipaghiwalay

Therese Arceo - June 04, 2022 - 01:15 PM

Vice Ganda sinupalpal ang netizen na sinabing susunod na siya kay Moira na makikipaghiwalay
HANGGANG ngayon ay usap-usapan pa rin ang paghihiwalay ng kaibigan ni Vice Ganda na si Moira dela Torre sa asawa nitong si Jason Marvin Hernandez.

Marami rin ang bumabanat na ang taong 2022 daw talaga ang break up season dahil bukod kina Moira at Jayson, marami na rin ang mga napabalitang naghiwalay ngayon gaya nina Zeinab Harake at Skusta Clee, Alyssa Valdez at Kiefer Ravena, Ana Jalandoni at Kit Thompson, at maging si Chad Kinis at dyowa niyong model-entrepreneur na si Nikko Alano Chua ay hiwalay na rin.

Kaya naman maging ang ilang ceebrities na magkarelasyon ngayon ay iniintriga na rin ng mga netizens na may “chance” na maghiwalay na rin at hindi nakaligtas rito ang Unkabogable Star na si Vice Ganda.

Isang netizen ang nag-tweet nitong Byernes ng hapon, June 3 at sinabing “Kung si Moira nga iniwan at niloko, si Vice Ganda pa kaya, watch. Money, money.”

Hindi naman nagpakabog ang Unkabogable Star at talgang pinatulan nang bongga ang kuda ng naturang netizen.

Saad ni Vice nang i-quote tweet niya ang netizen, “Sayang yung ibang relasyon noh di nagtatagal. Buti pa yung inggit sa puso mo panghabang buhay!”

Ready to fight back rin ang mga little ponies ng komedyante at talagang support sila sa kanilang nag-iisang meme.

 

 

“Atleast ikaw no, @viceganda ko, pinipili araw-araw, naks sana all!” reply ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “Bitter si kuya. Wala ka sigurong love life no. Wawa ka nmn. Yan masakit ba sagut ni mommy vice syo hah deserve mo kuya Puno ka Kasi Ng inggit ehh. Sabi nga nila pag inggit pikit, wag mo nang pansinin mommy
@vicegandako, bitter lng yan kaya ganyan!”

“bat kapag same sex relationship laging iniisip ng mga straight ay laging may money involved? genuine dn nmn kami magmahal. sa sobrang genuine kahit kasalanan na eto sa mata ng ibang tao pinipili pa dn nmin silang mahalin. wag ka masyado paladesisyon sa buhay ng iba,” dagdag pa ng isang netizen.

Anyways, matatandaang inamin na nina Vice Ganda at Ion Perez nitong February 2022 na ikinasal na sila noong Oktubre 2021 nang magpunta sila sa Los Angeles.

“Buong-buo ‘yung loob ko na makasama ka. Wala akong masabi basta mahal na mahal kita, Tuy. I love you,” sinserong saad ni Ion kay Vice.

“Ang saya-saya ko na ikaw ‘yung kasama ko ngayon, ikaw ‘yung kasama ko kahapon at ikaw ‘yung alam kong makakasama ko pa rin bukas at sa mga susunod pang mga araw.

“I promise na mag-iipon pa ako ng maraming-marami pang pagmamahal sa puso ko para makaya ko pang mahalin ‘yung sarili ko, makaya ko pang mahalin ka at ‘yung mga mahal natin sa buhay,” sabi naman ni Vice sa mister na si Ion.

Related Chika:
Moira nagsalita na ukol sa hiwalayan nila ni Jason: While our marriage was not perfect, I have stayed true to my vows

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vice Ganda umalma sa mga nagpapakalat ng fake news: Ang evil!

Jugs Jugueta pinagtanggol si Vice Ganda; Lolit Solis sumagot

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending