Francine sa tanong ni Seth kung bukas o sarado sa pakikipagrelasyon: 'Kapag kumatok ang pag-ibig hindi naman tayo maramot, pero trabaho po muna' | Bandera

Francine sa tanong ni Seth kung bukas o sarado sa pakikipagrelasyon: ‘Kapag kumatok ang pag-ibig hindi naman tayo maramot, pero trabaho po muna’

Ervin Santiago |August 20,2023
facebook
share this

Francine sa tanong ni Seth kung bukas o sarado sa pakikipagrelasyon: ‘Kapag kumatok ang pag-ibig hindi naman tayo maramot, pero trabaho po muna’

Ervin Santiago - August 20, 2023 - 07:42 AM

Francine sa tanong ni Seth kung bukas o sarado sa pakikipagrelasyon: 'Kapag kumatok ang pag-ibig hindi naman tayo maramot, pero trabaho po muna'

Francine Diaz at Seth Fedelin

NAGPAKATOTOO ang Kapamilya loveteam na sina Francine Diaz at Seth Fedelin sa harap ng entertainment media nang matanong kung ano na ba talaga ang real score sa pagitan nila.

Ayaw daw nilang lokohin ang kanilang mga supporters sa pagsasabing may namamagitan nang “something” sa pagitan nilang dalawa kahit wala naman talaga.

Kumbaga sa matandang kasabihan, “what you see is what you get” sa kanilang espesyal na pagkakaibigan bilang magka-loveteam on screen.

Basta ine-enjoy lang daw nila ang journey ng kanilang friendship na mas naging solid pa nang dahil sa teleserye nilang “Dirty Linen” sa ABS-CBN na magtatapos na next week.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Francine Diaz (@francinesdiaz)


Ayon kay Francine, hindi pa kasi niya nakikita sa ngayon ang sarili na may boyfriend dahil naka-focus pa rin ang kanyang atensyon sa trabaho at career at ganu’n din naman daw si Seth.

“Yes, lumalim ‘yung friendship namin in a way na mas naging open kami, pero romantically parang hindi,” ani Francine nang usisain ng press about her and Seth sa finale presscon ng “Dirty Linen.”

Sabi naman ni Seth, “But masasabi ko mas stronger na ‘yung friendship namin na meron po kami ngayon.Mas lumalim ‘yung samahan namin, pero romantically siguro hindi pa namin nakikita ‘yon.”

Paliwanag pa ni Francine kung bakit hindi pa nade-develop ang pagkakaibigan nila ni Seth into a more serious relationship, “Gusto lang po talaga namin maging best sa ginagawa namin.

Baka Bet Mo: Francine Diaz may rebelasyon sa tunay na estado ng relasyon nila ni Seth Fedelin; handa na sa pamba-bash ng haters

“And siyempre heto nga pong ‘Dirty Linen’ ang first project namin together on screen, na makikita kami ng mga tao on screen and parang this is the first show na parang somehow na meron kaming pinrove na kaya namin together,” dagdag ni Francine.

“At saka ano, tumatanda kami. Hindi na kami…wala sa isip namin ‘yung tayo magka-partner, magdyowa tayo,” paglilinaw naman ni Seth.

Tumingin naman si Seth kay Francine at diretsahang tinanong ng, “Ikaw, bukas ka ba o sarado?” Sagot ng dalaga, “You know po kapag kumatok naman ang pag-ibig hindi naman tayo maramot, pero siyempre po trabaho po muna.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Francine Diaz (@francinesdiaz)


Samantala, pareho nang inaatake ng sepanx o separation anxiety ang tambalang FranSeth dahil sa nalalapit na pagtatapos ng kauna-unahan nilang primtime series together na “Dirty Linen.”

“Kasi sa totoo lang yung ‘Dirty Linen’ sa akin ay sobrang naging training ground ko sa panibagong binubuo kong craft. Kasi sobra akong na-overwhelm nu’ng nalaman ko ‘yung cast.

“So sinimulan namin ang saya lalo na kapag rest day bonding kami. Nu’ng patapos na nakaka-sepanx hanggang ngayon nakaka-sepanx pa rin siya na parang ang bilis ng panahon. Mahirap,” pahayag ni Seth.

“Ako po ay may attachment pa rin ako sa lahat nang nakatrabaho ko po Like kami sa family namin sa ‘Dirty Linen’ kasi kahit maaga kami matapos mag-shoot, hindi kami nakapag-proper goodbye sa isa’t isa.

“Ngayon po nagsi-sink in sa amin na finale na last na. Ako po super ko na-enjoy na nakatrabaho ko sila lahat kasi marami akong natutunan.

“And marami akong na-discover sa sarili ko at na-discover sa mga co-actors ko na tinulungan nila ako para mas ma-portray ko ng maayos si Chiara na mabigyan ko ng justice ang character ko.

“Ang hirap lang po na tanggapin na patapos na po kami. Pero anuman po ang mangyari, anuman ang maging ending ng show namin ay forever grateful ako na kasali ako sa show na ito,” sey ni Francine.

Mula sa direksyon nina Andoy Ranay at Onat Diaz, mapapanood na simula sa Lunes ang pasabog na finale week ng “Dirty Linen” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, at iWantTFC.

Wish ng fans para kina Seth at Francine: Sana kayo na ang magkatuluyan sa ending!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ina ni Francine tinalakan si Andrea: Wag mong piliting maubos ang pasensya ko, magkakaalaman tayo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending