Francine Diaz tatapusin ang pag-aaral kahit busy sa showbiz: 'Mahalaga po sa akin 'to kasi it makes me feel I'm powerful' | Bandera

Francine Diaz tatapusin ang pag-aaral kahit busy sa showbiz: ‘Mahalaga po sa akin ‘to kasi it makes me feel I’m powerful’

Ervin Santiago |August 09,2023
facebook
share this

Francine Diaz tatapusin ang pag-aaral kahit busy sa showbiz: ‘Mahalaga po sa akin ‘to kasi it makes me feel I’m powerful’

Ervin Santiago - August 09, 2023 - 06:35 AM

Francine Diaz tatapusin ang pag-aaral kahit busy sa showbiz: 'Mahalaga po sa akin ang pag-aaral kasi it makes me feel I'm powerful'

Francine Diaz

HINDING-HINDI pababayaan ng Kapamilya young actress na si Francine Diaz ang kanyang pag-aaral kahit pa super busy siya sa pagtatrabaho.

Desidido ang dalaga na makapagtapos at makakuha ng college diploma dahil naniniwala siya na napakahalaga pa rin sa isang tao ang naka-graduate at may pinanghahawakang “sandata.”

“Kapag alam ko na parang medyo kulang ang knowledge ko, I feel powerless,” ang pahayag ni Francine sa kanyang pagbisita sa “Magandang Buhay” kahapon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Francine Diaz (@francinesdiaz)


“Mahalaga po sa akin ang pag-aaral kasi it makes me feel I am powerful. Ganu’n po kahalaga sa akin ‘yon,” ang chika pa ng aktres nang matanong kung ano para sa kanya ang importansya ng edukasyon.

“Hindi lang para masabi ko na matalino ako, nakapagtapos ako, pero pangarap ko rin po talaga ‘yon para sa sarili ko,” sey pa ng ka-loveteam ni Seth Fedelin.

Bukod dito, isa pa sa dream ng aktres ang makitang makapagtapos ang kanyang mga kapatid at magkaroon ng maayos na buhay at magandang kinabukasan.

Baka Bet Mo: 67-anyos na lola nakapagtapos ng junior high: ‘Hindi nakakahiyang magsimula uli kahit ikaw ay senior citizen na’

Tungkol naman sa kung paano niya napagsasabay ang kanyang trabaho, pag-aaral at pamilya, “For me, mas inuuna ko ang responsibility bilang anak kaysa responsibility sa sarili ko. So, top priority talaga ang family and then saka na lang ako.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Francine Diaz (@francinesdiaz)


Wala rin daw isyu sa kanya kung minsan ay nakakalimutan niya ang sarili, dahil nagpapakahirap at nagsasakripisyo talaga siya para sa pamilya.

Samantala, siniguro naman ni Francine na ikagugulat ng manonood ang mga eksena sa huling tatlong linggo ng kanilang serye na “Dirty Linen” sa iba’t ibang ABS-CBN platforms.

Kasama rin sa nasabing serye sina Janine Gutierrez, zanjoe marudo, seth fedelin, Janice de belen, John arcilla at marami pang iba.

Kyle Echarri sa relasyon ng The Gold Squad: Kahit ano’ng sabihin ng ibang tao basta okay kaming lahat, ‘yun ang mahalaga!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ruffa Gutierrez umaming naadik sa pag-aaral nang maka-graduate sa college: Iyak ako nang iyak, pero mas naiyak ‘yung mga anak ko…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending