Ruffa Gutierrez umaming naadik sa pag-aaral nang maka-graduate sa college: Iyak ako nang iyak, pero mas naiyak ‘yung mga anak ko…
BUKOD sa matagal na talaga niyang pangarap ang makapagtapos at makakuha ng college diploma, nais din ni Ruffa Gutierrez na maging magandang ehemplo sa kanyang mga anak kaya ipinagpatuloy niya ang pag-aaral.
Ayon sa actress-TV host at entrepreneur, hindi naging hadlang ang kanyang edad at ang kanyang trabaho bilang artista para makatapos ng kolehiyo.
Nagmartsa si Ruffa sa Philippine International Convention Center last September matapos makakuha ng bachelor’s degree in communication arts sa Philippine Women’s University sa edad 48.
Sa nakaraang episode ng “Bawal Judgmental” segment ng “Eat Bulaga”, isa si Ruffa sa naging choices. Isa siya sa mga celebrity na nakapagtapos na may bachelor’s degree ngayong 2022.
“At any age po puwede kayong makapagtapos ng pag-aaral, and it’s okay to further your education. Ginawa ko po ‘yun during the pandemic.
“You have to be active and ‘yung mind mo kailangang mag-work pa rin,” pahayag ni Ruffa.
Pagpapatuloy pa ng aktres at dating beauty queen, “Time management is key. With the help of my friends, my parents, at saka ng mga anak ko, gusto ko talagang tapusin.”
View this post on Instagram
Kasunod nito, ibinalita rin ni Ruffa na kumukuha na rin siya ng masteral studies sa Communication Arts sa PWU pa rin.
“Nu’ng nag-graduate ako ng Bachelor of Arts college degree, imagine graduating at my age, after not studying for more than 30 years, hinahanap ko na ngayon.
“Naadik na ako, sabi ko ‘Ano pa ang puwede kong pag-aralan, mag-certificate course ba ako or ipagpatuloy ko?’ So naisip ko ipagpatuloy na lang. So I’m very proud about that,” pag-amin ni Ruffa.
Pag-alala pa ni Ruffa noong graduation na niya, “Iyak ako nang iyak, pero mas naiyak ‘yung mga anak ko. Kasi noong nakita kong happy sila.
“Ngayon sabi ko ‘O, wala na talagang dahilan para hindi kayo mag-aral. Kailangan talaga mag-aral kayo and follow your mom’s footsteps.
“Kasi ‘yung mga anak ko parang, ‘Hmmmm, hindi ka naman nakapag-aral.’ Excuse me, street smart naman ako. I’ve been working at the age of 13, 13 years old nag-aaral na ako. Pero iba pa rin talaga kung may degree ka,” pagmamalaki pa ni Ruffa.
Ipinagdiinan din ng aktres na gusto niyang maging ehemplo sa dalawang anak pagdating sa pag-aaral, “At least kapag nakikita nila nag-aaral ‘yung nanay nila, mas magpupursigi silang mag-aral din.”
Cassy proud working student, nag-aaral habang nasa lock-in taping: Stressful but fun!
Kim nagsalita na tungkol sa chikang kasal na sila ni Xian; gusto rin daw maging Koreana
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.