Lovely Abella ibinandera na ang maternity photos

Lovely Abella ibinandera na ang maternity photos, excited nang manganak: ‘Ang daming nag-aantay sayo anak…’

Pauline del Rosario - August 19, 2023 - 02:33 PM

Lovely Abella ibinandera na ang maternity photos, excited nang manganak: ‘Ang daming nag-aantay sayo anak…’

PHOTO: Instagram/@lovelyabella_

SUPER excited na ang actress-comedienne na si Lovely Abella na makapiling ang “miracle baby” nila ng mister na si Benj Manalo.

Sa ilang Instagram posts, proud niyang ibinandera ang kanyang official maternity photos.

Una niyang ipinakita ang ilang pictures na mala-Diyosa ang kanyang look habang suot suot ang isang long white dress.

Tila napa-senti mode pa ang komedyana at sinabing, “Ibibigay ni Lord sa tamang panahon, sa tamang oras at sa tamang pagkakataon.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Baka Bet Mo: Lovely Abella preggy na sa first child nila ni Benj Manalo

Kasunod niyan ay ang post na ibinabandera ang family picture na kasama ang kanyang asawa at anak na si Crisha.

Ayon pa kay Lovely, handang-handa na silang makita at makasama ang bagong miyembro ng kanilang pamilya.

“Our Little Miracle is coming soon [blushing face emoji],” wika ng aktres sa post.

Sambit pa niya, “Napakasarap pagmasdan Anak, na nagkaisa kaming lahat para sa napakagandang photo na ‘to, dahil lahat kami ay pinaghahandaan ang pagdating mo.”

“Napaka-Blessed mo anak ang daming nag-aantay at excited sayo [happy face wmoji] #littlemanalo,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lovely Abella-Manalo (@lovelyabella_)

Magugunita noong nakaraang araw lamang ay ibinahagi ni Lovely ang highlights ng kanyang maternity photoshoot.

Kitang-kita sa video na talaga namang blooming ang aktres sa kanyang pagdadalang-tao.

Nakwento rin ng komedyana na ang kanyang mag-ama ang nagtulak sa kanya upang gawin ang ganitong klaseng photoshoot.

Noong Enero nang ibalita ni Lovely na makalipas ang tatlong taong pagta-try nila ni Benj na magkaroon ng baby ay sa wakas dumating na ang matagal nilang hinihiling.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:

Dimples game na game na sumabak sa underwater maternity shoot, nakumpleto na ang ‘4-elements’ pictorial

Benj sa 1st anniversary nila ni Lovely: Nakakakilig pa rin mahal! Forever na tayo, ha?!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending