Yasmien Kurdi excited na sa 2nd baby

Yasmien excited na sa 2nd baby, ibinandera ang bonggang maternity shoot

Pauline del Rosario - April 01, 2024 - 06:18 PM

Yasmien excited na sa 2nd baby, ibinandera ang bonggang maternity shoot

PHOTO: Instagram/@yasmien_kurdi

SABIK na sabik nang makita ni Yasmien Kurdi ang kanyang “baby dragon,” ang ipinagbubuntis na second baby nila ng non-showbiz husband na si Rey Soldevilla, Jr.

Sa Instagram, ibinandera ni Yasmien ang isang video na ipinapakita ang ultrasound ng kanyang anak na gumagalaw sa kanyang tiyan.

Maririnig sa background ang boses ng isang bata na tila nagbibigay ng update habang nasa sinapupunan.

Caption ng aktres, “I am ALIVE! [pregnant emoji] So chubby! [holding back tears emoji] I Love You [happy face with hearts emoji]”

Kalakip niyan ang hashtags na “your mama dragon loves you so much,” “can’t wait to see you,” “my baby dragon,” “3rd dragon” at “I promise to protect you always.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yasmien Kurdi (@yasmien_kurdi)

Kasunod niyan, nag-post naman si Yasmien ng bonggang litrato na kuha sa kanyang maternity shoot.

Nakasuot siya ng white pants at white polo na kitang-kita ang kanyang baby bump.

“Forever grateful for this little blessing [heart hands emoji],” proud na wika ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yasmien Kurdi (@yasmien_kurdi)

Sa hiwalay na post, ibinida ulit ng Kapuso actress ang ibang look mula sa nasabing photoshoot.

Dito niya inihayag ang pagdiriwang ng kanyang pagbubuntis kasabay ang paggunita sa Pasko ng Pagkabuhay.

Easter a celebration of new life and hope through Christ [folded hands emoji] Celebrating this miracle of life [pregnant emoji],” caption pa niya sa IG.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yasmien Kurdi (@yasmien_kurdi)

Kamakailan lang, proud na ibinahagi ni Yasmien ang latest milestone niya habang naka-maternity leave.

Nagakapagtapos siya sa kursong culinary sa Academy of Pastry and Culinary Arts (APCA).

Present sa kanyang graduation day ang kanyang asawa, pati na rin ang panganay na anak na si Ayesha Zara.

Inamin ni Yasmien na hindi siya makapaniwala sa kanyang achievement dahil bukod sa ito ay dream come true, natupad niya ito habang siya ay buntis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Good thing the baby in my tummy was cooperative the whole time while I was in class,” sambit niya.

Noong Nobyembre nang inanunsyo ng Kapuso star at ng kanyang non-showbiz husband na magiging ate na ang kanilang panganay na anak.

Masaya nilang ibinahagi nila ang latest family picture na makikitang hawak ng aktres ang resulta ng pregnancy test, habang si Rey naman ang nagpakita ng sonogram.

January 2012 nang ikinasal ang mag-asawa at November 2012 naman nang isinilang nila si Ayesha.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending