Yasmien niregaluhan ni mister ng bagong sasakyan: Dream car ko talaga siya! | Bandera

Yasmien niregaluhan ni mister ng bagong sasakyan: Dream car ko talaga siya!

Ervin Santiago |September 30,2021
facebook
share this

Yasmien niregaluhan ni mister ng bagong sasakyan: Dream car ko talaga siya!

Ervin Santiago - September 30, 2021 - 09:04 AM

NAPA-HASHTAG #SanaAll ang mga fans at social media followers ng Kapuso actress na si Yasmien Kurdi nang makita ang isa nitong Instagram post.

Ibinandera kasi ni Yasmien sa buong universe ang natanggap na regalo mula sa kanyang asawang si Rey Soldevilla — na isa lang namang brand new car.

Ipinost ni Yasmien sa Instagram ang litrato nila ni Rey kasama ang anak na si Ayesha with her new car. Aniya sa caption, “New baby. Thank you Pangga!”

Ayon sa Kapuso star, binigyan siya ng bagong sasakyan ni mister para raw masanay na rin siyang mag-drive at maiwasang makisalamuha sa ibang tao bilang pag-iingat na rin sa COVID-19.

“Recently po kasi nagkakasabay ang mga schedules namin. Ngayong pandemic, madalas siya po ang naghahatid sa akin sa work ko para less daw yung contact namin with other people,” pahayag ni Yasmien sa panayam ng GMA.

Dagdag pa niya, “Pero since madalas na ang mga swab tests before work, napansin namin na doble na yung travel namin with regards to our work. Kaya ayun, kinunan niya ako ng car na kayang-kaya ko i-maneuver.

“Ang saya lang dahil finally pinayagan na niya ako mag-drive mag-isa!” masayang-masaya pang chika ng isa sa lead stars ng upcoming GMA series na “Las Hermanas.”

Sey pa niya, talagang dream car daw niya ang iniregalong sasakyan ng asawa, “Three years ko na po siya hinihingi pero ayaw lang po ako payagan ni hubby mag-drive lalo na at puyatan sa tapings before. 

“Baka raw kasi ma-tempt ako mag-drive nang madaling araw para makauwi agad.

“Since, lock-in tapings na ngayon, outside of it madalas ang mga travel papunta sa work is for variety shows and swab testings na.

“Before minsan lang talaga ako nakakapunta ng GMA building, pero ngayon lagi na, every work kailangan dumaan dun because of swab testings,” aniya pa.

Samantala, excited na rin si Yasmien sa nalalapit na pagpapalabas ng bago nilang teleserye sa GMA, ang “Las Hermanas”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dito, makakasama naman niya sina Thea Tolentino, Faith Da Silva, Albert Martinez at marami pang ibang bigating Kapuso stars.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending