Jessy Mendiola proud sa bagong achievement ng anak nila ni Luis Manzano: This little girl started crawling!
TUWANG-TUWA ang aktres na si Jessy Mendiola sa bagong milestone ng first baby nila ng TV host-actor na si Luis Manzano.
Sa kauna-unahang pagkakataon kasi ay natutunan nang gumapang ni Baby Rosie!
Ibinandera ‘yan mismo ni Jessy sa kanyang Instagram account.
Makikita pa nga ang isang video na kung saan ay nakikipaglaro ang aktres sa kanyang anak at dito nga makikita na nakakagapang na ito.
“This little girl started crawling today [holding back tears, red heart emojis],” proud na anunsyo ng aktres sa post.
Sey pa niya, “Buti nalang hindi siya nainis sakin kakalipat ng toys niya [laughing face emoji].”
“Time to move to a bigger room, my little one! [happy face with hearts emoji],” hirit pa ng aktres.
View this post on Instagram
Makikitang masayang-masaya rin si Luis sa latest achievement ng kanyang anak kaya napa-comment siya sa post ng kanyang misis.
Saad niya, “Go my Peanut! Good job Mama [red heart emoji].”
Pati ang ilang fans napa-wow sa naturang post at narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:
“That’s good gross motor skills training Jessy. Princess Rosie will develop strong leg strength. Good job Rosie!”
“Peanut grows so fast! Job well done! [red heart emoji]”
“Super hands-on naman ni Ms. Jessy! Galing galing ni Baby Peanut! Go! Go! Go! [clapping hands emoji].”
Kung maaalala, noong December 28 ng nakaraang taon ipinanganak ng aktres ang panganay nila ni Luis, ngunit January 7 lang nila ito ibinandera sa publiko at pinangalanang si Isabella Rose Tawile Manzano.
Matatandaang taong 2021 nang ikinasal sina Luis at Jessy.
Related Chika:
Anne Curtis kinantahan si Baby Rosie, sey ni Luis Manzano: ‘First time ko nakita naguluhan anak ko!’
Luis Manzano ‘hinarana’ si Baby Rosie, sey ni Jessy Mendiola: Nanghihingi ng saklolo si Peanut!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.