BL series na ‘My Plantito’ magpapakilig na sa mundo ng TikTok; nakatadhana nga ba ang tunay na pag-ibig?
HUMANDA na sa kakaibang rollercoaster ride ng tawa, kilig, at nakatutunaw ng puso na mga kaganapan, sa pagsisimula ng pinakabagong digital series na “My Plantito“.
Ito ang kauna-unahang TikTok serye na mapapanood sa Puregold Channel sa YouTube, na mapapanood na simula sa August 23.
Magsisimula ang kuwento sa unang pagkikita ng isang tahimik at tila mahiyaing lalaki na mahal na mahal ang kaniyang mga halaman; at isang kalog na vlogger-next-door na agad na mabibighani sa plantito.
Ang “My Plantito” ay isang Boy-Love (BL) serye sa TikTok, na nakapila nang maging susunod na hit na produksyon ng Puregold Channel.
Binibigyan ng palabas ang mga manonood sa kung paanong ang simpleng pagtatagpo sa pagitan ng dalawang tauhan ay maaaring maging malalim na koneksyon, kung saan tama ang timing, at itinadhana ang pag-ibig.
View this post on Instagram
Tampok dito si Kych Minemoto bilang Charlie, isang vlogger, at si Michael Ver biglang guwapong plantito. Pareho nilang patutunayan na ang pag-ibig ay hindi lamang pagtingin at nakakikilig na romansa–kasama rito ang pagtuklas ng sarili, paglubog sa mga isyu ng pagtanggap at pagiging inklusibo, at pagtuklas ng pagmamahal na nagnanais lumaya.
Baka Bet Mo: Alex Diaz game na game sa love scenes: It’s not gonna work if you’re not completely invested
Giit ni Ivy Hayagan-Piedad, Marketing Senior Manager ng Puregold, higit sa entertainment ang hatid ng “My Plantito”, “Tungkol ito sa pag-unawa at pakikipamuhay. Hindi lang ito love story; nagbibigay ito ng makabuluhang aral, at ang nakabibighaning kaguluhan na nililikha ng pag-ibig.”
Tulad sa nakaraang digital na serye, ang mahika sa paglikha ng “My Plantito” ay hatid ng direktor na si Lemuel Lorca at ng producer na si Chris Cahilig. Ibibigay din ng mga artistang sina Ghaello Salva, Elora Espano, Derrick Lauchengco, at Devi Descartin ang abot ng makakaya nila sa seryeng ito.
Kaya markahan na sa inyong mga kalendaryo ang August 23 para sa unang pagbandera ng “My Plantito”. Bilang pasilip, maaaring panoorin ang opisyal na trailer sa link na ito: https://vt.tiktok.com/ZSLbN2wNa/.
Herlene Budol puring-puri ni Rob Gomez: I’ve always seen her as a real, real person!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.