TikTok BL series na 'My Plantito' pak na pak sa netizens, kilalanin ang mga bida sa bonggang fan meet | Bandera

TikTok BL series na ‘My Plantito’ pak na pak sa netizens, kilalanin ang mga bida sa bonggang fan meet

Ervin Santiago - September 12, 2023 - 10:43 AM

TikTok BL series na 'My Plantito' pak na pak sa netizens, kilalanin ang mga bida sa bonggang fan meet

Michael Ver at Kych Minemoto

SHOUT OUT sa lahat ng manonood ng pinakabagong kinababaliwang digital series na “My Plantito.”

Maghanda na sa isang hapon na puno ng kilig at pagkasabik para sa My Plantito Fan Meet, na gaganapin sa Setyembre 16, 4 p.m., sa Puregold QI Central Store.

Nangangakong maging pagdiriwang na talaga namang kakaiba, ang fan meet ay magbibigay-pagkakataon sa mga tagasunod ng “May Plantito” na makilala at makasama ang mga artista ng palabas, makisali sa mga palaro, manalo ng eksklusibong mga premyo, at makatanggap ng mga freebie.

Isang linggo pa lamang ipinalalabas ang “My Plantito” sa Puregold Channel subalit nabingwit na nito ang puso ng mga netizen dahil sa kombinasyon ng romansa, komedya, at saya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kych (@kychminemoto)


Itinatampok ang kagiliw-giliw na si Kych Minemoto bilang Charlie at ang misteryosong si Michael Ver bilang ang Plantito na si Miko, naging sikat na sa Tiktok ang serye, at bawat episode ay nakalikom na ng higit sa milyong mga view.

Baka Bet Mo: ‘Pabukol’ na BL actor gagawin ang lahat para lang bumongga ang career

Walang duda na gustong-gusto ng mga fan ang matatag na chemistry sa pagitan ng BL (Boy-Love) tambalan, na kinikilala pa lamang ang isa’t isa.

Dahil namangha sa naratibo ng kuwento at ang pag-arte ng mga kalahok na bida, kinasasabikan na ng mga manonood ang kauna-unahang fan meet kung saan maaaring makasalamuha ang mga bidang sina Kych Minemoto at Michael Ver, at ang iba pang miyembro ng cast na sina Ghaello Salva, Elora Espano, Devi Descartin, at Derrick Lauchengco.

Sa gabay ng producer na si Chris Cahilig at direktor na si Lemuel Lorca, paniguradong marami pang nakatutuwang handog ang serye sa susunod nitong mga episode.

Habang nag-aabang, huwag palampasin ang pagkakataong makikonekta sa kapwa-fan at ipagdiwang ang maagang tagumpay ng “My Plantito.” Makisaya sa hapon ng tawa at hindi malilimutang mga kaganapan.

BL series na ‘My Plantito’ magpapakilig na sa mundo ng TikTok; nakatadhana nga ba ang tunay na pag-ibig?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kych Minemoto, Michael Ver magpapasabog ng kilig sa BL series na ‘My Plantito’; ’52 Weeks’ waging Best SocMed Campaign sa TikTok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending