'Pabukol' na BL actor gagawin ang lahat para lang bumongga ang career | Bandera

‘Pabukol’ na BL actor gagawin ang lahat para lang bumongga ang career

Ervin Santiago |April 13,2021
facebook
share this

‘Pabukol’ na BL actor gagawin ang lahat para lang bumongga ang career

Ervin Santiago - April 13, 2021 - 07:20 PM

WALANG ginawa ang isang BL o Boys’ Love actor kundi ang maglantad ng kanyang hubad na katawan sa social media.

Talagang mahilig magpabakat ang  BL actor na ito sa mga ipino-post niyang mga picture at video sa kanyang socmed accounts.

Pero kung tutuusin, wala na rin naman siyang itatago dahil nakita na rin ng publiko ang kanyang pagkalalaki.

Pa-“thirst trap” ang kanyang emote sa kanyang mga video na ipino-post online at wala mukhang wala naman siyang paki sa mga “scandal” niya na kumakalat sa internet.

Parang ine-enjoy pa nga niya ito. Sey ng isang source, kahit ano ay gagawin niya nang walang limitasyon para sa ilusyon niyang maging big star.

Akala yata ng binatang aktor na ito ay ganu’n lang kadali ang pagsikat. Di ba ang kwento noon, in-enjoy niya ang “pagkakalat” sa social media para lang mapansin.

Ayon sa kwento, talagang nagkaroon na raw ng ere ang BL actor na ito. At totoo bang hindi na niya feel kasama ang mga kasabayan niya nu’ng nagsisimula pa lang siya.

Isa sa itinuturong dahilan kung bakit yumabang na ang binata ay dahil kinunsinti umano ng manager na tila higit sa alaga ang kanyang pagtingin. Beke nemen kaya pang maturuan ng right attitude ang aktor?

Sabi pa ng source, sana man lang ilugar niya ang kanyang kayabangan lalo pa’t wala pa naman talaga siyang napatutunayan. Paulit-ulit nga ang kanyang nakukuhang projects na halos lahat ay BL ang tema.

Sana nga ay hinusayan niya para matakpan ang kanyang kalat. Sayang ang career niya dahil tila hindi naalagaan ang kanyang image ng kanyang management.

Sa rami rin kasi ng BL series at movies ngayon, nauumay na ang mga tao kaya kung hindi ka mag-i-standout, walang mangyayari sa ’yo, hindi ka talaga mapapansin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tanong nga ng source, aware kaya ang binatang actor na may mga naba-bad trip na sa kanyang kayabangan?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending