Kych Minemoto, Michael Ver magpapasabog ng kilig sa BL series na ‘My Plantito’; ’52 Weeks’ waging Best SocMed Campaign sa TikTok
PATULOY na nagbabago ang digital na mundo pagdating sa mga pelikula, palabas, at paraan ng video streaming.
Kasabay niyan, patuloy ding sinisikap ng Puregold YouTube Channel na manguna sa paglikha ng mga seryeng bago at kakaiba, ngunit papatok at kagigiliwan ng mga manonood dahil lapat sa kanilang mga buhay.
Nitong mga nagdaang taon, ipinakita ng digital platform ang kakayahan nitong itampok ang kapangyarihan ng mahusay na pagkukuwento, sa pamamagitan ng nauna nitong mga seryeng “GVBoys: Pangmalakasang Good Vibes“.
View this post on Instagram
Sumunod dito ang digital series na “Ang Babae sa Likod ng Face Mask” nina Herlene Budol at Joseph Marco, at ang katatapos lang na “Ang Lalaki sa Likod ng Profile” nina Yukii Takahashi at Wilbert Ross.
Ang nasabing serye ay talaga namang pumukaw sa atensyon ng mga Pilipino dahil damang-dama nila ang danas ng mga tauhan sa bawat palabas.
Kamakailan, nanalo ang TikTok serye ng naturang digital platform na “52 Weeks” ng “Best Social Media Campaign for TikTok” sa Hashtag Asia.
Ngayon, handa na muli ang Puregold Channel na sorpresahin ang mga manonood, sa tulong ng una nitong Boy’s Love (BL) serye na “My Plantito.”
Hangad nito na bigyang-pokus ang mga “Kuwentong Panalo” ng lahat ng Pilipino, ano man ang estado nila sa buhay.
Baka Bet Mo: Wilbert Ross, Yukii Takahashi bibida sa digital show na ‘Ang Lalaki sa Likod ng Profile’
Ipinalabas ang opisyal na trailer ng “My Plantito” noong August 8, eksaktong 8:08 p.m. habang nakatakda namang ipalabas ang unang episode ng serye sa August 23, sa TikTok at YouTube Channel ng Puregold.
Itinatampok ang pares nina Kych Minemoto at Michael Ver, dadalhin ng “My Plantito” ang mga manonood sa isang paglalakbay na puno ng pagmamahal at pagkilala sa sarili.
Ipinapangako ng serye na ipakikita nito ang halaga ng pagkakaiba, pagtanggap, at pagiging inklusibo, bilang pagpapatibay sa pagbibigay plataporma sa mga “Kuwentong Panalo.”
View this post on Instagram
Ibinahagi ni Ms. Ivy Hayagan Piedad, Marketing Senior Manager ng Puregold, ang kanyang pagkasabik sa bagong serye, “Layunin ng Puregold na maging aksesibol ang mga kuwentong mahalaga at makapangyarihan.
“Noon pa man, ang pag-ugnay sa aming mga suki ang nagtutulak sa amin patungong pagtatagumpay. Isang paraan ang mga digital serye na katulad ng My Plantito,” aniya.
Pinangungunahan ang “My Plantito” ng mahusay na tambalan ng premyadong si Chris Cahilig bilang producer at ang talentadong si Lemuel Lorca bilang direktor. Tampok din sa serye sina Ghaello Salva, Elora Espano, Derrick Lauchengco, and Devi Descartin.
Binigyang-diin din ni Piedad ang halaga ng paglalaan ng espasyo sa mga kuwentong gaya ng My Plantito, na ipinapakita ang importansya ng pagkilala sa sarili, pagmamahal sa pamilya, at pakikisama sa mga kaibigan.
“Hangad namin na magsimula ang palabas ng mga pag-uusap tungkol sa pagiging ligtas ng mga espasyo para sa lahat, at sinisiguro namin na tumutulong ang Puregold Channel na marinig ang lahat ng uri ng mga tao,” aniya pa.
Panoorin ang opisyal na trailer sa link na ito: https://vt.tiktok.com/ZSL4CxufB/.
Kauna-unahang TikTok series na ’52 Weeks’ pagbibidahan nina Jin Macapagal at Queenay Mercado
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.