'My Plantito' nina Kych Minemoto at Michael Ver mapapanood sa YouTube na may English subtitles | Bandera

‘My Plantito’ nina Kych Minemoto at Michael Ver mapapanood sa YouTube na may English subtitles

Ervin Santiago |October 24,2023
facebook
share this

‘My Plantito’ nina Kych Minemoto at Michael Ver mapapanood sa YouTube na may English subtitles

Ervin Santiago - October 24, 2023 - 07:41 AM

'My Plantito' nina Kych Minemoto at Michael Ver mapapanood sa YouTube na may English subtitles na

Michael Ver at Kych Minemoto

HABANG lalong nakakamit ng “My Plantito” ng Puregold Channel ang pagkilala dahil sa mahusay na pagpapakita nito ng kuwentong Boy’s Love, pamilyang Pilipino, at pakikipagkaibigan, mapapanood na ang serye ng retailtainment pioneer sa YouTube ngayon na may English subtitles.

Tampok si Kych Minemoto bilang nangangarap na vlogger na si Charlie, at si Michael Ver bilang gwapong kapitbahay at plantito na si Miko, mabilis na sumikat ang digital na serye sa mga tagapanood sa buong bansa, na ang 21 episode nito ay mayroon nang 29.5 milyong view sa kasalukuyan.

Noong una itong ipinalabas, naging paborito kaagad ang serye ng mga fan, dahil itinatanghal nito ang perpektong balanse ng kilig, kwela, at nakatutunaw ng pusong mga sandali hindi lamang sa pagitan nina Charlie at Miko, pati na rin kina Charlie at ang mapagmahal nitong ama na si Janong (Chef Ghaello Salva), at ang tapat nitong best friend na si Bianca (Devi Descartin).

Dahil dito, mapapanood na ang serye sa YouTube na may English subtitles, para mas maabot pa ito ng mga fan sa iba-ibang sulok ng mundo.

Baka Bet Mo: TikTok BL series na ‘My Plantito’ pak na pak sa netizens, kilalanin ang mga bida sa bonggang fan meet

“Alam namin kung gaano kainit ang pagtanggap ng mga tagapanood sa My Plantito at naririnig namin ang hiling ng mga fan na mas marami pa sana itong maabot,” ani Ms. Ivy Hayagan-Piedad, Senior Manager for Marketing ng Puregold Channel.

“Ngayong may English subtitles na ang YouTube episodes ng My Plantito, patunay lamang na nakikinig ang Puregold Channel at tumutupad ng pangako. Ngayon, ang mga tagasubaybay mula sa ibang mga bansa ay may oportunidad na matunghayan ang magandang kuwento ng serye,” aniya pa.

Dagdag sa tagumpay ng kumpanya sa industriya ng retail, nangunguna rin ang Puregold sa retailtainment, at kabilang sa mga serye na naipalabas nito ang “GVBoys”, “Ang Babae sa Likod ng Face Mask”, “Ang Lalaki sa Likod ng Profile”, at “52 Weeks.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending