Arjo, Maine magkaka-baby sa 2024, Liza susuwertehin sa Hollywood; magkakabalikan pa ba sina Ricci at Andrea? | Bandera

Arjo, Maine magkaka-baby sa 2024, Liza susuwertehin sa Hollywood; magkakabalikan pa ba sina Ricci at Andrea?

Reggee Bonoan |August 17,2023
facebook
share this

Arjo, Maine magkaka-baby sa 2024, Liza susuwertehin sa Hollywood; magkakabalikan pa ba sina Ricci at Andrea?

Reggee Bonoan - August 17, 2023 - 01:02 PM

PART 2 ito ng panayam ng online host at content creator na si Romel Chika sa Tarot Card reader na si Mamu Gloria Escoto tungkol sa kapalaran ng mga celebrities sa nalalapit na pagtatapos ng 2023.

This time, ang tungkol naman sa mga ikinasal at mag-asawa ang naging topic nila.

“Natatandaan n’yo po ba Arjo Atayde at Maine Mendoza na biglaan ang kasal, itinatago ang preparasyon? True enough di ba, nalaman na lang natin nang malapit na silang ikasal. Ano ang naghihintay sa kanilang career?” tanong ng content creator.

“Magiging mas masaya sila. Kung ang tatanungin n’yo ay anak, possible next year (2024) manganak si Maine. Kung mabubuntis siya ngayong taon, next year magkaka-baby na sila.

“Magiging maganda ang married life nila, siguro lang pagdating sa career kay Arjo ingat-ingat lang siya kasi puwede siyang maaksidente,” sabi ni Mamu.

Tungkol naman kina Maja Salvador at Rambo Nunez, ano ang magiging buhay nila after the wedding? “Ito rin, magiging successful sa married life nila. Happy din sila. May mga pagdaraanan mang problema kaya na nilang ayusin,” pahayag ni Mamu.

Sa tanong kung magkakaroon na sila ng baby, “Sa (Tarot) cards walang baby.”

Baka Bet Mo: Hula ng Tarot card reader kay Kris Aquino shocking; hindi pa makakauwi ng Pinas sa 2023

Tinanong din ni Romel Chika ang tungkol sa engaged couple na sina Angelica Panganiban at Gregg Homan, “Masaya rin naman sila, may mga tampuhan pero tampuhan na kayang i-solve ng mag-partners.

“Kung anuman ang negosyo ng mga ‘to (o) kung may plano silang pumasok sa negosyo (at) siguro kung mapapanood nila ito ay ‘wag muna kasi puwede silang maloko in terms of pera,” paglalarawan ni Mamu base sa nabasa sa cards.

“Ano naman ang magiging buhay nina Luis Manzano at Jessy Mendiola?” tanong uli ni Romel Chika.

“Patuloy lang sa kanila kungbaga diretso lang ang buhay and then si Luis possible siyang magkaroon ng malaking break sa showbiz. Malaking proyekto ‘to. Hindi naman siguro makakapagpabago pero makakapagpabango ng pangalan niya (mangyayari) sa katapusan ng 2023.

“Masaya naman silang mag-asawa though si Luis ay pagod, parang stress siya dahil din sa trabaho. I think ingatan na lang niya ‘yung health niya,” sabi ni Mamu.

Samantala, natanong din kung kumusta na si Liza Soberano at ang magiging career niya sa Hollywood, “Sa ngayon ay puwedeng hindi pa siya maging sikat o makilala pero next year possible lahat ng pangarap niya matupad (sa Hollywood).  Kung nag-uumpisa na siya ngayon hindi ngayon ang taon niya do’n pero sa susunod na taon magdidire-diretso siya,” paliwanag ni Mamu.

Sabi ni Romel Chika, mabuti at magbubunga ang paghihirap ni Liza lalo na sa nangyayari ngayon sa talent management niyang Careless dahil ang CEO nitong si Jeffrey Oh ay nahuli at may deportation case na kaya ang tanong ng lahat ay ano na ang mangyayari sa showbiz career ng aktres.

“Next, kumustahin natin ang Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ‘yung reunion nilang Dear Heart (concert). Ano ang mangyayari sa October 27 magaganap ‘yan,” tanong ni Romel Chika.

“Magiging masaya naman at ang siguradong masaya ay ang fans nila.  Pero kung tatanungin mo kung magso-soldout ang ticket medyo hindi pero maraming magiging masaya I mean silang dalawa (Gabby at Sharon) okay sila sa pagkikita nila ulit in good terms naman sila pareho,” pahayag ni Mamu.

Pahabol pa ni Romel Chika, kumusta sina Aljur Abrenica at AJ Raval? “Di ba sinundot ko sila nu’ng nakaraan? Sila pa rin at masaya naman sila may anak hindi pa lumalabas (ipinakikita sa publiko),” sambit ni Mamu.

Ano naman ang latest kina Coco at Julia? “Masaya rin naman sila as a family and marami pang suwerteng darating sa kanilang dalawa.  Makikita naman sa cards (perfect match daw sabi ni Romel),” kaswal na sagot ni Mamu.

Nabanggit din ni Romel Chika sina Andrea Brillantes at Ricci Rivero, may second chance pa kaya? “I think wala na, wala na talaga (sabay iling),” diretsong sabi ni Mamu habang nakatingin sa baraha.

Nasambit din na ‘yung pangarap ni Andrea na makabili o makapagpagawa ng malaking bahay ay maaaring mangyari dahil tuloy pa rin ang pagsikat niya.

Si Awra Briguela naman ay dumaranas ngayon ng depression at anxiety dahil, “May mga bagay siyang pinagsisisihan na sana hindi niya ginawa as of now medyo hindi siya okay.”

“Makakabalik pa ba si Awra sa showbiz?” tanong ni Romel Chika.

“Depende sa sitwasyon niya pero kasi kung makikita mo ngayon (nakatingin sa mga baraha) ‘yung strength naka-reverse meaning wala pa siyang lakas ng loob para humarap at may trauma ‘to, sa ngayon malungkot siya,” paglalarawan ni Mamu sa kasalukuyang sitwasyon ni Awra Briguela.

At ang huling tanong ni Romel Chika ay kumusta ang lagay ng mga TV network,

“Ang GMA 7 masasabi ko na smooth lang, minsan kinukulang pero napupunan naman din.”

Na-curious si Romel Chika, “Anong kinukulang?” “Sa pera,” kaswal na sabi ni Mamu.

“Ha? Kinukulang pa sila? Ang dami-dami nilang proyekto?” reaksyon ni Romel.

“Hindi naman natin alam ang mga expenses nila. Kung tatanungin mo kung sila ba ay maayos sa mga susunod na buwan o bago magtapos ang taon na ito o hanggang sa mga naunang buwan ng taong 2024 ay masasabi kong magiging maayos naman sila pero as of now medyo tumatagilid-gilid,” say ni Mamu

Ano naman ang nakikita ni Mamu sa ABS-CBN o Kapamilya network? “Magpapatuloy pa rin sila kahit wala silang prangkisa. Magdidire-diretso pa rin. Nakikita ko may isang taong tutulong sa kanila na bumalik ulit.

“Hindi ko kasi sure kung ano ‘yung isyu ng mga ‘to (base sa mga nabasa sa baraha). Pero kung ito ay pagbabayad o involved dito ang pera pupuwedeng mapunan,” interpretasyon ni Mamu sa nakita niyang resulta sa mga baraha.

Paano naman ang TV 5 o Kapatid network? “I think ito ang tumatabo (say ni Romel, uy TV5 wagi!) Kasi kung makikita mo ‘yung unang labas niya (sa cards), nandito ‘yung malalaki o matataas na tao possible na namamayagpag sa network na ito.  Puwede siyang mamayagpag hanggang next year na. Paangat nang paangat ang TV5,” pahayag ni Mamu.

Napapalakpak naman si Romel Chika sa narinig dahil siyempre taga-TV5 sila ni Nanay Cristy Fermin.

Related Chika:

Hula kay Pangulong Bongbong para sa 2023: ‘Bago siya bumaba sa puwesto ay magiging maayos ang Pilipinas’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy Fermin pinag-iingat sa 2023, kailangan na raw mag-quit sa showbiz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending