Bela Padilla, JC Santos hindi hinaluan ng 'malisya' ang loveteam kaya epektib, muling 'huhugot' at 'mananakit' | Bandera

Bela Padilla, JC Santos hindi hinaluan ng ‘malisya’ ang loveteam kaya epektib, muling ‘huhugot’ at ‘mananakit’

Ervin Santiago |August 14,2023
facebook
share this

Bela Padilla, JC Santos hindi hinaluan ng ‘malisya’ ang loveteam kaya epektib, muling ‘huhugot’ at ‘mananakit’

Ervin Santiago - August 14, 2023 - 07:27 AM

Bela Padilla, JC Santos hindi hinaluan ng 'malisya' ang loveteam kaya epektib, muling sasaktan ang manonood

JC Santos at Bela Padilla

MULING pinagbigyan ng Viva Entertainment ang mga fans na nagre-request na sana’y muling pagtambalin sa pelikula sina JC Santos at Bela Padilla.

Yes, yes, yes mga ka-Marites! Reunited again ang dalawa sa latest offering ng Viva Films na “Wish You Were the One” na isinulat ni Enrico Santos at idinirek ni Derick Cabrido.

Ito na ang ikalimang pagtatambal nina JC at Bela sa pelikula, ang naunang apat ay ang “100 Tula Para Kay Stella”, “The Day After Valentine”, “Of Vodka, Beers & Regrets” at “366”.

Sa naganap na digital mediacon ng “Wish You Were The One” kamakailan ay nabanggit ni JC ang kakaibang powers ng connection nila ni Bela bilang magka-loveteam na mukhang effective naman daw sa audience.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JC Santos (@j.c.santos)


Aniya, nagmumula raw ito sa genuine friendship nila ng aktres at hindi raw kailangan lagyan ito ng romantic angle sa tunay na buhay dahil alam din nilang trabaho lang ang ginagawa nila.

“Kapag sumagad sa idea in real life, mawawala yung magic na nagbibigay namin sa audience. We are really good friends, so hindi namin hinayaang mawala yung in-invest natin sa isa’t isa,” paliwanag ni JC.

Sabi naman ni Bela, nirerespeto at inaalala rin nila ang feelings ng kanilang respective partners kapag gumagawa sila ng project together.

“We respect each other and our partners so much, before JC got married, we never got to a point na we were both single,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Zanjoe bilib na bilib kay Bela bilang aktres, writer at direktor: Sana makuha ko yung tapang at paninindigan niya

Maligaya na ngayon si JC sa piling ng asawang si Shyleena Herrera, habang si Bela naman ay happy pa rin sa kanyang long-time Swiss boyfriend na si Norman Bay.

Sa katunayan, nang mag-post si JC sa kanyang IG ng mga photos nila ni Bela para sa “Wish You Were The One”, napakaraming na-excite sa muli nilang pagtatambal.

“Ready na akong masaktan ulit.”

“Pag etong talagang dalawa na ‘to nag-team up panigurado iiyak na naman ako.”

“Handa na po ang tissue, just in case.”

“Lahat ng movie nila pinanood natin. We shouldn’t skip this one.”

Yan ang ilan sa mga nabasa naming reaksyon mula sa IG followers ni JC.

Sa kuwento ng pelikula, gumaganap si Bela bilang si Astrud, isang senior advisor sa curtain store. Nagmula sa mahirap na pamilya, kaya natuto siyang maging madiskarte, praktikal, at laging may inaabot na pangarap. At ngayon, gusto niyang magkabalikan sila ng dating nobyo na si Jordan (Kean Cipriano).

Si JC ay si Ellis, isang landscaper. Tahimik at hindi gaanong cool, pero sa kabila nito, may nobya siyang maganda, sikat, at tinuturing na prinsesa sa mga party, si Zoe (Franki Russel).

Nagtagpo sina Astrud at Ellis sa panahong kailangan nila ng kapareha sa isang kasal. Imbitado si Ellis at Zoe sa kasal ng kanilang kaibigan, pero break na ang dalawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JC Santos (@j.c.santos)


Nag-aalangang pumunta si Ellis dahil alam niyang gumagawa ng paraan ang kanilang mga kaibigan para magkabalikan sila ni Zoe. Nagsinungaling siya na ikakasal na rin siya, at dito nga papasok si Astrud.

Si Ellis ang paraan ni Astrud para makapasok sa kasal kung saan chef si Jordan. Sa kanilang pagpapanggap, napagtanto nina Astrud at Ellis na tinadhana talagang magtagpo sila. Ramdam din nila na may chemistry sila.

Hindi imposibleng ma-in love sina Astrud at Ellis sa isa’t isa. Ngayong naiintindihan na nila ang tunay na dahilan kung bakit hindi nagtagal ang mga dati nilang relasyon, kaya ba nilang sumugal sa kanilang nararamdaman?

Kasama rin sa “Wish You Were The One” sina Kaladkaren, Romnick Sarmienta, Andrea Babierra, at Andrew Muhlach. Showing na ito sa mga sinehan sa August 23, mula sa Viva Films, Manila Entertainment, Studio Viva at Clever Minds, Inc..

Bela bilib na bilib sa 2 leading man sa ‘366’: Si JC talagang ginalingan, hindi pa action, tumutulo na ang luha

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bela Padilla walang awkwardness na naramdaman kay Zanjoe sa ‘366’: I already got passed that stage

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending