Zanjoe bilib na bilib kay Bela bilang aktres, writer at direktor: Sana makuha ko yung tapang at paninindigan niya | Bandera

Zanjoe bilib na bilib kay Bela bilang aktres, writer at direktor: Sana makuha ko yung tapang at paninindigan niya

Ervin Santiago - April 05, 2022 - 06:30 AM

Bela Padilla at Zanjoe Marudo

HINDI naging issue ang tsismis noon kina Zanjoe Marudo at Bela Padilla na may namamagitan daw sa kanila sa pagtatambal nila ngayon sa pelikulang “366”.

Kumalat ang chika na may “something” na raw sa pagitan ng dalawang Kapamilya stars nang magtambalsa ABS-CBN drama series na “Dear Heart” noong 2017.

Pero pareho itong dinenay nina Zanjoe at Bela at ipinagdiinang magkaibigan lamang sila at hindi totoo ang tsismis na may lihim silang relasyon.

And after four years nga ay hindi nagdalawang-isip si Zanjoe na tanggapin ang offer bilang leading man ni Bela sa “366” na siya ring directorial debut ng aktres.

Sey ng binata, hindi raw niya kayang palagpasin ang napakagandang proyektong ito na isinulat, idinirek at pinagbibidahan nga ni Bela.

“First time naming nag-work sa isang pelikula, at hindi ko palalampasin yun kapag nabigyan ako ng ganitong klaseng kopportunity para lang hindi tanggapin dahil may isyu ka, na wala naman akong na-feel nu’ng in-offer sa akin yung project,” lahad ng aktor sa naganap na online presscon ng “366” last Friday, April 1.

“Excited agad ako na makipag-usap kay Bela about sa story and character,” pahayag pa ni Zanjoe.

Dugtong pa ng Kapamilya star at Star Magic artist, “Ang una ko ngang reaksiyon, ‘Puwedeng ako na lang yung character ni JC (Santos)?’ Pero hindi raw puwede.”

Puring-puri rin ni Zanjoe si Bela hindi lang bilang aktres kundi pati ang pagiging direktor nito dahil kahit unang pelikula nito ang “366” ay alam na alam nito ang kanyang ginagawa.

“Nakaka-amaze siyang panoorin. Sinabayan pa na siya yung direktor so nakakabilib talaga.

“Kapag makikita mo yung set namin, walang sumisigaw. Napakakalmado. Tahimik ang lahat.

“Ang sarap nu”ng parang belong ka sa group na puro artists na ang tatalino, creative. Nakakatuwa na naging part ako nitong first film ni Bela.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by zanjoe marudo (@onlyzanjoemarudo)


“Magaan siyang katrabaho, alam niya kung ano ang gusto niya, alam niya kung ano yung kailangan niya. Nakakatuwa na may paninindigan siya sa paggawa ng pelikula,” dire-diretsong sabi ng award-winning actor.

At sa tanong kung gusto rin niyang maging direktor tulad ng aktres, “Siguro ang kailangan kong makuha kay Bela, yung tapang na magsimula.

“Minsan parang nandoon yung gusto mo na, pero takot ka pa kasi takot kang magsimula. Nakita ko kay Bela, yun ang wala sa kanya, yung takot. Yung takot na baka mag-fail or hindi magustuhan.

“Pero sa ngayon, gusto kong mag-focus, gumawa ng mga project na hindi ko pa nagagawa as an actor,” sey pa ni Zanjoe.

Sa kwento ng “366,” si June (Bela) ay mayroong 365 days upang makapag-move on sa kanilang unhappy ending ni Pao (JC). Nag-suggest si Marco (Zanjoe) na gawin nila ni June ang mga bagay na hindi nila nagawa ni Pao noon, at pumayag siyang maging proxy-boyfriend ni June.

Araw-araw, sa loob ng 365 days ay matututunan ni June at Marco ang mag-move on at magsimula ulit ng bagong buhay at pag-ibig.

Ayon kay Bela, na-inspire siyang isulat ang kwento ng “366” nang bumiyahe siya sa Maldives at doon ay nalaman niya ang kwento ng isang Pinoy couple na sinubok ng pagkakataon habang nasa kanilang dream travel destination.

Dito naisip ni Bela kung ano ang mararamdaman niya kung siya ang nasa lugar ng Pinay, at kung paano siya makakapag-move on. Sabi ni Bela, ang “366” ay ang kanyang idea sa pag-move on sa buhay at sa pag-ibig: hindi ito madali, ngunit posible ito sa paisa-isang hakbang araw-araw.

Panoorin ang isa na namang di-malilimutang pagganap, at maging isa sa mga unang makakapanood ng directorial film debut ni Bela sa “366.” Streaming online sa April 13 sa Vivamax Plus at April 15 sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, Canada, the USA, the Middle East at Europe.

https://bandera.inquirer.net/293703/zanjoe-15-years-na-sa-showbiz-ang-tagal-na-pala-mahal-na-mahal-ko-yung-ginagawa-ko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/302703/zanjoe-sa-mga-cheater-itutuloy-mo-ba-o-iisipin-mo-yung-mga-taong-masasaktan-at-matatapakan-mo
https://bandera.inquirer.net/309682/bela-padilla-walang-awkwardness-na-naramdaman-kay-zanjoe-sa-366-i-already-got-passed-that-stage

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending