Bela Padilla bad trip sa na-book na sasakyan, late na nga, amoy yosi pa
NALOKA at naimbiyerna ang actress-director na si Bela Padilla sa na-book niyang sasakyan mula sa isang sikat na transport service app.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram Story, ibinalita ni Bela sa kanyang social media followers ang nakakairitang karanasan niya nang mag-commute patungo sa isang shopping mall.
Kuwento ng dalaga, bukod daw sa late na ngang dumating ang kinuhang sasakyan mula sa naturang private hire car hailing service, ay pinaglakad pa siya papunta sa pick-up point.
Pero ang isa pa sa nakasira ng mood niya ay amoy-sigarilyo ang sasakyang nakuha niya kaya napilitan siyang buksan ang bintana nito para mabawasan ang mabahong amoy.
“Booked ___ (transport service) car today because I didn’t wanna park in the mall on a Sunday knowing it would be crazy.
View this post on Instagram
“The driver was 15 minutes late. Kept calling me to cancel cause he didn’t want me to pick me up on the spot….”
“And ‘picked me up’ 200 meters away from the pick up point.
“Also his car smelled like cigarettes so I had to keep my window open,” ang buong caption ni Bela sa kanyang IG post.
Baka Bet Mo: Sikat na male star gwapo at maporma pero napakabaho kapag pinawisan: Buti hindi siya iniiwan ng dyowa niya!?
Sa huling bahagi ng kanyang mensahe ay tinanong pa ng aktres sa mga netizens kung ano naman ang mga naging experience ng mga ito sa pagsakay sa mga private hire car hailing service.
Hindi ito ang unang beses na inireklamo ni Bela ang na-book na sasakyan mula sa nasabing transport service app. Noong 2019, nadismaya rin ang aktres nang ibandera ng driver ang kanyang home address sa isang radio system.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.