South Korea may ‘e-Group visa’ application na para sa mga turista

South Korea naglunsad ng ‘e-Group visa’ application para sa mga turista

Pauline del Rosario - June 29, 2023 - 11:06 AM

South Korea naglunsad ng ‘e-Group visa’ application para sa mga turista

INQUIRER file photo

SA mga ka-bandera natin na gustong mamasyal sa South Korea, mukhang mas mapapadali ang pagpunta niyo roon!

May bagong programa kasi na inilunsad ang South Korea para sa regular tourists at ito ang tinatawag na “e-Group visa” application na epektibo na mula pa noong June 27.

Inanunsyo ‘yan mismo ng Ministry of Justice ng Korea sa pamamagitan ng Embassy of the Republic of Korea in the Philippines kamakailan lang.

Sa mga interesado, dapat hindi bababa sa tatlong miyembro ang mag-aapply ng e-Group visa.

Ang mga turista ay pwedeng magmula sa isang company incentive tour, educational tour na hindi bababa sa college level, at regular tour.

Baka Bet Mo: Kristel Fulgar pumirma ng kontrata sa South Korea, pero hindi muna mag-aartista: I’m not prepared guys, so huwag muna mag-expect

Para mag-qualify sa nasabing visa option, ang mga turista ay dapat may parehong schedule at magkakasama sa iisang transportation.

May mga accredited travel agencies na itinalaga ang Korean government upang asikasuhin ang inyong aplikasyon sa nasabing visa.

Narito ang listahan ng mga ahensya na pinayagang mag-proseso ng e-Group visa:

  • Airmark Tour and Development Inc.

  • Ark Travel Express Inc.

  • Grand Hope Travel, Inc.

  • Horizon Travel & Tours, Inc.

  • Island Resort Club Tour Services Inc.

  • Marsman Drysdale Travel Inc.

  • Pan Pacific Travel Corporation

  • Rajah Travel Corporation

  • Rakso Air Traven and Tours Inc.

Ayon sa embahada, ang mga nabanggit na travel agencies ay nakatakdang isumite ang mga aplikasyon online sa pamamagitan ng “Korea Visa Portal.”

Read more:

Mas maraming Pinoy ready nang mamasyal ulit ngayong summer –survey

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Chynna Ortaleza ibinandera ang approved US Visa, inaming na-deny sa unang subok: ‘Yung kaba ko iba!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending