Tambalan nina Jennica Garcia at JC Santos sa 'Dirty Linen' bet na bet din ng madlang pipol; fans ayaw manood tuwing Friday | Bandera

Tambalan nina Jennica Garcia at JC Santos sa ‘Dirty Linen’ bet na bet din ng madlang pipol; fans ayaw manood tuwing Friday

Alex Brosas |August 06,2023
facebook
share this

Tambalan nina Jennica Garcia at JC Santos sa ‘Dirty Linen’ bet na bet din ng madlang pipol; fans ayaw manood tuwing Friday

Alex Brosas - August 06, 2023 - 07:54 AM

Tambalan nina Jennica Garcia at JC Santos sa 'Dirty Linen' bet na bet din ng madlang pipol; fans ayaw manood tuwing Friday

Jennica Garcia at JC Santos

BUKOD sa tandem nina Jennica Garcia at Christian Bables, kinagigiliwan din pala ng fans ng “Dirty Linen” ang tambalan nina Jennica at JC Santos sa hit teleserye na malapit nang magtapos.

When Jennica posted kasi a short video kung saan inilibing nila ang mga namatay nilang kapamilya, bumuhos ang comments sa kanyang IG account.

Doon namin nalamang may fans pala ang tambalan nina JC who plays police officer Inspector Onore at Lala na character ni Jennica.

“You have my heart mga ka-dirty.  Salamat po sa pagtangkilik sa #DirtyLinen,” came Jennica’s caption sa short IG video niya na ang daming nag-comment.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennica (@jennicagarciaph)


“Sana kayo ni ainspector magkatuluyan.”

“Sana mgkaroon sa netflix hirap hanapin sa youtube ng mga episode eh. kulang kulang na. Will wait for this on netflix. Di ko mapanuod ngayon e.”

“Sana ma extend. Season 3 pls! So exciting!”

Baka Bet Mo: Halikan nina Janine at Zanjoe sa ‘Dirty Linen’ trending: ‘Ang lakas maka-KDrama, kakabitin!’

“Episode 1 pa lang nito traumatizing na for me hahahha feeling ko hindi ako makaka-move on sa tv series na to!!!!!”

“Huhu! Super galing mong umarte, mamsh! Natural na natural.”

“Ito yung eksena na sumasabog sa emosyon kahit walang linya. Tumatagos sa screen.”

“Sobrang galing mo Lala sna may nxt project agad na ganito mailabas mo ang talent mo.”

“The best teleserye galing ninyo lahat for sure may award to. kudos abscbn.”

“Ito inaabangan ko na ayaw kong pinapanood friday kasi nalulukungkot ako gusto ko agad mapanood kasunod hahaha. Ang gagaling nyo. Please iligtas nyo palagi si mang abe.”

Todo-todo na ang mga rebelasyon sa “Dirty Linen” matapos aminin ni Mila (Janine Gutierrez) kay Chiara (Francine Diaz) ang totoo niyang pagkatao at na magkapatid sila sa nalalapit na pagtatapos ng revenge drama series ng ABS-CBN.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennica (@jennicagarciaph)


Hindi na nakapagtimpi pa si Mila at inilantad na niya na iisa lamang ang ina nila ni Chiara at ang kanyang tunay na identidad bilang Alexa Salvacion, na kasama sa grupong naghihiganti sa mga Fiero para makamit ang hustisya para sa mga mahal nila sa buhay.

Dahil sa mga ini-spluk ni Mila, nasa matinding panganib na ang buhay niya, pati ng kanyang mga kasabwat, dahil ibinulgar na rin ni Chiara sa pamilya Fiero ang sikreto ni Mila at desidido silang pagbayarin si Mila sa panloloko niya.

Bukod sa rebelasyon ni Mila, nabulgar na rin sa serye na hindi pala tunay na Fiero si Feliz (Angel Aquino). Nabuntis kasi si Doña Cielo (Tessie Tomas) ng ibang lalaki at sinikreto niya ito sa lahat kaya hindi na rin sila nabigyan ng ni isang kusing ng mana.

Makakaligtas pa ba si Mila sa kamay ng mga Fiero? Sino ang totoong ama ni Feliz?

Sarah Geronimo, John Lloyd Cruz magkakaroon na nga ba ng comeback movie together?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aktor na feeling sikat hindi bet suportahan ang mga baguhang artista; Janine, Francine nilantad na magkapatid sa ‘Dirty Linen’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending