Saab Magalona umiyak sa loob ng kotse nang ihatid ang anak para sa kanyang '1st day of school': 'So many emotions!' | Bandera

Saab Magalona umiyak sa loob ng kotse nang ihatid ang anak para sa kanyang ‘1st day of school’: ‘So many emotions!’

Ervin Santiago |August 13,2023
facebook
share this

Saab Magalona umiyak sa loob ng kotse nang ihatid ang anak para sa kanyang ‘1st day of school’: ‘So many emotions!’

Ervin Santiago - August 13, 2023 - 06:48 AM

Saab Magalona umiyak sa loob ng kotse nang ihatid ang anak para sa kanyang '1st day of school': 'So many emotions!'

Saab Magalona Jim Bacarro at Pancho Bacarro

UNTI-UNTI nang natatanggap ng celebrity mom na si Saab Magalona na habang lumalaki ang kanyang mga anak ay nagkakaroon na rin ito ng sarili nilang buhay.

Last month lang ay masayang ibinalita ni Saab sa kanyang mga social media followers na natanggap sa isang regular school ang panganay na anak nila ni Jim Bacarro na si Pancho.

Naging emosyonal pa nga siya nang mag-post sa Instagram tungkol sa first day of school ng kanilang anak na tinatawag din nilang “miracle boy”.

Sa short video na ibinahagi ng anak ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona at ng talent manager na si Pia Magalona, makikita si Pancho na nag-eenjoy sa kanilang school.

Sey ni Saab sa caption ng kanyang IG post, “I cried in the car after dropping him (Pancho) off. So many emotions!!! What a milestone. We are so happy for you, Puddy.”

“When you’re a proud mom and it’s your kid’s first day of school,” aniya pa sa inilagay na text caption sa video.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Saab Magalona-Bacarro (@saabmagalona)


Inamin naman ng aktres at singer na talagang matindi ang kanyang pag-aalala noon sa panganay na anak kaya naisip niyang huwag na munang palabasin ng kanilang bahay si Pancho.

Baka Bet Mo: Darren Espanto pangarap maging international star, gusto ring maka-graduate sa college at magnegosyo

Pahayag ni Saab, “As a mom with birthing trauma, I was skeptical and I thought of all the excuses for him to just stay home… He’ll be safe if he’s just at home… What if something happens and I’m not there?”

Ngunit dumating din daw yung pagkakataon na unti-unti niyang napagtanto na kailangan niyang labanan ang takot para sa ikabubuti ng kanilang “miracle boy.”

“It’s been a struggle but I know in my heart this is what’s good for Pancho. This is good for me and Jim, too… I started out skeptical, now I’m excited,” ang punto pa ni Saab.

Bukod kay Pancho ay mas isa pang anak sina Saab at Jim, si Vito na mukhang napakabilis din ng paglaki.

Tom Rodriguez super enjoy sa buhay sa Amerika, pumasyal kasama ang mga pamangkin

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Saab Magalona umalma sa nagsabing hindi raw proud sa kanya si Francis M kung buhay pa ito: Mas kilala ko tatay ko sa ‘yo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending